#PINGterview: What’s Next for PhilHealth?

August 27, 2020 - In an interview on DZXL, Sen. Lacson answered questions on:

* How Anti-Terror Law could have prevented Jolo blasts

* National debt

* Suggestions to strengthen PhilHealth

* PHILHEALTH:

Possible Administrative Liabilities of Resigned Officials:

Galaw na yan ng DOJ-led task force para panagutin ang may kinalaman sa katiwalian sa PhilHealth. On the part of the Senate naipadala na namin sa task force ang mga materialis na na-gather namin sa 3 linggong pagdinig namin. Napadala na ni SP yan kay Sec Guevarra at in-acknowledge nila na makakatulong yan kasi napakarami naming nakuhang mga dokumento pati mga testimonya ng resource persons na nagko-compliment. At maliwanag doon na may pananagutan dapat ang sa Execom pati si PCEO Morales may kinalaman doon.”

“So pananaw ng Senado hindi makaka-affect maski mag-resign na sila, maski mag-resign pa ang iba, ang kaso dapat tuloy. Ang mawawala lang doon administrative case. Kasi administrative case patungkol sa administrative liability kung wala na sila sa gobyerno. Di ko sigurado ano epekto nito sa halimbawa pension nila. Kung itutuloy ang administrative case at mapapatunayang guilty sila, na nagkaroon ng abuso at grave misconduct, kung pwede habulin ang kanilang retirement benefits.”

Suggestions to Strengthen PhilHealth:

“Nasa Pangulo na yan. Pero nakita namin sa problema roon, structural na. Sa akin ito, pag na-deliberate sa floor ang committee report, isang isa-suggest ko sa findings and recommendations, bawasan ang power and authority ng Execom at palakasin ang power ng Board. Kasi ang Board mga responsible officials yan. Ang ex-officio chair, Cabinet secretary. Ang mga ex-officio members, Cabinet secretaries. Pero dapat hindi puro representatives pinapupunta nila pag may board meeting. Dapat pag papasa sila ng board resolution at policies dapat yung mismong ex-officio members na designated sa batas.”

“Ang computerization. Dito ang problema. Kasi computerized pero hindi digitalized, parang sa BOC rin. Naging batas ang modernization program pero ayaw nila mag-automate. So computerized na pero nariyan pa rin ang human intervention. Dapat sa ibang bansa kasi puro online. Apply ka online, babayad ka diretso sa bangko ng gobyerno in our case LBP. Lahat pati pagbayad ng tax dapat ganoon na. Ang hindi natin naintindihan sa BIR, basta walang intervention si BIR examiner at di naguusap ang magbabayad ng tax maski sa Customs at PhilHealth, palagay ko ang laking mababawas sa corruption. May batas naman pero parang sinasadya, computerized kami, ayaw mag-digitalize or mag-automate.”

“Sa ibang bansa talagang dadalhan ka ng envelope kung gusto mo i-contest mo, pero magbayad ka. Kausap ko kaibigan ko, sabi ko ano kalakaran kasi tatalakayin namin mamaya sa briefing ang CREATE, corporate income tax, para ma-revitalize ang corporations and MSME babawasan from 30% hanggang 25% hanggang papuntang 20%. E ang tanong, nagbabayad ang corporate pero pagbabayad ng tax ang laking nawawala kasi tawaran ng tawaran. At di napupunta sa gobyerno ang binabayaran. Ang tanong kasi, magkano ba gusto mo sa resibo. Yan ang problema, di pa tayo automated.”

Dapat centralized, talagang may naka-monitor bukod sa kanya-kanyang digitalization. Ito may central, may backbone. Sa DICT lagyan natin, monitored ang transaction para may oversight ang ating computerization.”

Transparency of DOH:

“Dati may weekly report ang Presidente sa Kongreso under Bayanihan 1. Kami pag nagsa-submit ng comments and recommendations particularly office ko, through ang chairperson si Sen Pia dahil pinapadala sa Malacanang yan lagi tinatanong namin pero di kami nakatanggap ng sagot. Hindi sinasagot diretso kaya mahirap talaga.”

Ngayon sabi ng Pangulo, tingnan natin kung seryoso ang kanyang kautusan. Kasi kung di siya magagalit, lip service yan. Kung hindi nagko-comply ang Cabinet sa bawa’t gastos bawa’t bili particular patungkol sa COVID19 dapat isapubliko. Tingnan natin kung magagawa. Kasi hindi naman kaya utos ng Pangulo yan; dapat alam natin yan kasi pera natin yan.”

***

* ANTI-TERRORISM:

Anti-Terror Law Could Have Prevented Jolo Blasts?

Actually effective na ang batas. For purposes of filing ang kaso sa recent Jolo bombing, pwedeng gamitin ang ATA 2020 sa pag-file ng charges. Ang opportunity lang na na-miss ng ating law enforcement doon ang features na pwede mag-aresto sa planning preparatory stage ng act of terrorism.”

In-include namin sa bagong batas ang inchoate offenses, preparation, planning, pati recruitment and training. Maski hindi pa nagaganap mismo ang act of terrorism, separate crime na yan.”

Assuming hindi nangyari ang pagpatay sa mga intelligence officers ng Army sa kamay ng Jolo police, pwede na sila sana mag-aresto dahil sabi ng PH Army, they were already hot on the trail of the female bomber na siyang nagsagawa ng suicide bombings. So kung noong panahon na yan may guideline sa pamamagitan ng IRR di ligaw ang ating law enforcement. Kung sapat na ebidensya nila at papasok sa warrantless arrest na tinatawag ang circumstances, ang condition, mga requirement, pwede sana nila maaresto ang female bombers. Ang involved, di lang mismong suicide bombers kundi ang co-conspirators.”

“Kung meron nang IRR, kumpleto na ang guidelines, IRR na mag-guide sa mga military personnel, assuming hindi nangyari ang patayan at naroon sila, di pa rin sila makagalaw. Kasi bagong feature yan, wala yan sa umiiral na Human Security Act. Pero effective ang ATA pero walang guidelines, anong gagawin nila? Pati ang pag-conduct ng electronic surveillance, I suppose I would assume ginagawa nila yan na signal intelligence. Nga lang, dahil sa kakulangan ng IRR hindi guided ang ating police and military how to go about conducting electronic surveillance, pati ang pwede arestuhin na even in the planning stage pa lang.”

Need to Speed Up IRR:

“Kung sana may IRR at maliwanag na ito alam ng mga military at police officers natin, hindi ko sinasabing sigurado pero pwedeng di nangyari ang pagsabog kasi pwedeng arestuhin dahil sinama natin sa bagong batas ang inchoate offense. Di pa nangyari pwede nang arestuhin dahil separate crime na yan.”

Sa ilalim ng batas, may 90 days to craft the IRR. Sana huwag i-exhaust ang 90-day period. Kung kaya tapusin na after 1 week. Remember, effective na ang batas pag published na sa Official Gazette, at newspapers of general circulation, at after 15 days. Tapos na yan. Pero kung sana may IRR ma-guide ang law enforcement ano dapat gawin. Maski umiiral ang batas kung walang guidelines, mahirapan sila. Kasi paano nila masasagawa ang pagpapatupad ng ATA?”

No to Regulating Social Media:

Ang tawag doon prior restraint, bawal na bawal doon. Ang ma-violate doon ang overbreadth doctrine. Pag overly broad na proscribe mo pinagbawal mo ang unprotected speech parang pwede rin ipagbawal ang protected speech kasi broad ang coverage. Pag sinabi mong regulate ang social media or media in general, prior restraint yan. Di pwede yan kasi violation yan ng Bill of Rights kasi free speech tayo. Kaya sabi ko nga pag unprotected speech pinagbawal mo, may danger rin, may risk na protected speech bawal na rin.”

Martial Law over Sulu:

“Ang pagkaintindi ko sa declaration ng ML, ang reason lang, invasion or rebellion. Tulad ng Marawi pinayagan kasi 60 days lang pupuwede at hihingi sila sa Kongreso kung pwede i-extend. Pero in this case kung out and out terrorist act ito at di konektado sa invasion or rebellion baka hindi ma-justify ang pagdeklara ng ML.”

“Unlike Marawi maliwanag rebellion yan at may halong invasion kasi may ISIS di ba, ang Maute connected sa ISIS, gusto mag-establish ng caliphate sa Marawi. Maliwanag yan, pasok na pasok yan sa Saligang Batas na uubra ang ML. In this case hanggang di iuugnay sa invasion or rebellion, baka mahirapan ma-justify. Ang lakas na nitong batas, ang ATL precisely kaya natin pinasa dahil noong dini-discuss natin ni SND Lorenzana ang security cluster, pati si NSA Esperon, tinanong namin sila sa caucus na ano ang end na tinitingnan ninyo para di na mag-extend ang ML? Ang sagot nila maliwanag, and I think still binding. Sabi nila kung maipapasa ang ATB hihingin namin sa Pangulo i-lift na at di kami hihingi ng extension.”

***

* NATIONAL DEBT:

Malapit na namin i-tackle ang budget for 2021. Katunayan naipadala na ng DBM kay SP at kay Speaker APC ang NEP. Doon matatalakay natin kasi kasama roon ang tinatawag nating Budget Expenditure and Sources Financing. Kasama ang programa sa deficit for 2020 at ang projected deficit, kung ito tutugma sa ating inuutang.”

“Natatandaan ko noong isang taon, tinanong ko sa kanila bakit … ang ating projected budget deficit, ganito kalaki lang parang at the time P200B, pero inuutang natin P800B. Saan natin gagamitin? Kung ibabase natin halimbawa para mas simple sa isang pamilya na ang kulang sa budget mo P1000 e bakit ka uutang ng P3000 babayad ka ng interest? Ayaw nila paliwanag, sabi nila classified information, hanggang sa di na napaliwanag. Pero ngayon ibang usapan ito.”

“Noong December ang pagkaalam natin P8T ang ating utang, parang P7.8T. Pero ngayon nasa mahigit P9T na tayo at sabi pa nga, bago matapos ang taon aabot tayo ng P10T. Hindi tayo ang mamomroblema rito kasi narito na tayo. Ang sasalo nitong lahat ang susunod sa atin na henerasyon.”

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.