Walang paglabag sa batas ang ginawa ng liderato ng Kamara sa pag-itemize ng 2019 budget matapos ito ratipikahin. Totoo ba ito?

HOR ph

❌KASINUNGALINGAN: “Walang paglabag sa batas o Saligang Batas sa ginawa ng liderato ng Kamara sa pag-itemize ng 2019 budget matapos ito ratipikahin.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Lantarang iniligaw ng mga nagsasalita para sa liderato ng Kamara ang pagkalikot nila sa pambansang badyet para mapaniwala ang publiko na ang ginawa nila ay alinsunod sa napagkasunduan at isinasaad sa bicameral report. Pero ang katotohanan ay nag-realign o naglipat sila ng ilang pondo na wala naman sa mga nasulat sa bicameral report.

2. May net increase na P95.1 bilyon ang realignment ng Kamara. Kabilang nito ang pagtanggal ng P72.319 bilyon sa Major Final Output 1 and 2 ng DPWH. Nagbaklas din ang liderato ng Kamara ng P79.7 bilyon sa ilang distrito at nilipat sa mga lugar ng mga kaalyado. Nag-park din ito ng P70 bilyon sa DPWH central office matapos alisin ito sa 87 na District Engineering Offices. Ginawa ito para itago ang mga “pork insertions” ng ilang myembro ng Kamara.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.