Tips Pangontra sa Trolls, Inilabas ni Ping

Bilang Mambabatas

Huwag nang mag-aksaya ng panahon para patulan, i-report, at i-block.

Ito ang pansamantala subali’t epektibong tip na ibinabahagi ni Senador Panfilo Lacson sa mga lehitimong netizens habang naghihintay sa magiging aksiyon ng Facebook at iba pang social media platforms sa patuloy na paglala ng problema sa troll farms.

“We know trolls are financially and emotionally fueled by agitating and getting a response from their targets. Denying them that fuel is a good first step,” mariing pahayag ni Lacson na personal na nakakaranas ng pag-atake ng trolls sa social media.

Bukod sa mga nabanggit na tips, ibinahagi din ng mambabatas ang ilang senyales ng mga troll accounts na puwedeng maging gabayng mga lehitimong netizens, kasama ang:

* Kawalan ng activity sa main Facebook profile at paggamit ng kung anu-anong larawan bilang profile photo.

* Sa halip na gumamit ng argumento at maayos na katuwiran, masyadong mapusok, mapaghamon, mapanakit at mapanira sa partikular na tao, proyekto o ideya ang post.

* Gumagamit ng kapareho o halos kaparehong mensahe mula sa ibang account na umaatake rin sa isang partikular na target.

* Nagpapakalat ng fake news at mga wala sa hulog na argumento.

* Agad na kukuyugin ang ibang lehitimong netizens na hindi sang-ayon sa kanilang linya ang opinyon o paniniwala.

Sa kanyang Twitter account, na-block na ni Lacson ang mahigit 2,000 nang account na wala sa katuwiran, inililigaw ang paksa at mayroon ding wala na sa katinuan.



Suportado rin ng mambabatas ang naunang panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa Facebook Philippines na gumawa na ng hakbang laban sa mga troll farm na tila sinadyang buuin para magamit sa 2022 elections.

“But as we wait for the companies concerned to take appropriate action, it would be better for us to develop the habits that will deny these trolls their prize,” dugtong ng senador.

Una na ring isiniwalat ni Lacson ang impormasyong nakarating sa kanya kung saan isang undersecretary umano ang nanghihikayat para makabuo ng dalawang troll farms sa bawa’t probinsiya kaugnay sa nalalapit na halalan.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.