Ukol sa Sobrang Mahal na PPE sa Gitna ng Pandemya

Setyembre 2, 2021 - Dapat isaalang-alang ang presyo sa paggastos ng gobyerno gamit ang buwis ng mamamayan, sa kahit na kanino mang administrasyon.


Pero dapat maging mas mapanuri ngayong panahon ng pandemya, lalo na kung umabot na sa bilyon-bilyong piso ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga biniling medical supplies gamit ang pondo ng taumbayan, habang naghihirap pa lalo ang mga Pilipinong nawawalan ng hanapbuhay.


Kung wala tayong nakikitang mali – o inililigaw pa natin ang atensyon ng publiko sa bagay na ito, tunay nga na nasalanta na ang ating bansa.


*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.