
Pera noon, paninda ngayon: Sa ganitong paraan bumalik ang kotong sa kabila ng pandemya kung saan nagbibigay pa ng listahan ang mga tiwaling pulis sa mga nagtitinda sa Divisoria kung ano ang mga bagay na gusto nilang tirahin.
Ito ang isinawalat ni Senador Ping Lacson nitong Sabado, kung saan ibinahagi niya ang laman kanyang pakikipagusap sa mga tindero at tindera sa Divisoria.
“Ngayon daw iba na. Ang pulis, for some reason, may listahan na bawa’t pondohan sa lugar na pinagtitindahan. Listahan na binibigay. Ito dapat inyong ibigay, gulay, prutas, paninda. Balik na naman tayo. Day-to-day corruption,” ani Lacson, na bumuwag sa kultura ng kotong sa Philippine National Police noong pinamunuan niya ito mula 1999 to 2001, sa kanyang panayam sa DZRH.
Related: Lacson Bares Return of ‘Kotong’ Amid Pandemic
