
Sa halip na magkaroon ng samu’t saring assistance package mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa micro-, small and medium enterprises (MSMEs), bakit hindi nalang ipunin ang pondo at ilagay sa isang financing facility?
Para kay Senador Ping Lacson, mas magiging madali ito para sa MSMEs na mabigyan ng sapat na tulong lalo na sa mga negosyong naapektuhan ng pandemya, tensyon sa Ukraine, climate change at iba pang kalamidad.
Sinabi ni Lacson na ito ang plano nilang gawin ni Senate President Tito Sotto sakaling sila ay mahalal bilang bagong lider ng bansa.
Related: Lacson-Sotto Tandem Eyes Central Financing Facility for MSMEs
