Site icon PING LACSON

Ping: On Reported Chinese Espionage in the Philippines

YouTube Poster

In an interview on NET25, Ping Lacson answers questions on the reported Chinese espionage in the Philippines and the outdated anti-espionage act.

QUOTES and NOTES:

* Outdated Anti-Espionage Law:

“Marami tayong batas na (a)ntiquated na pero nakakaligtaan at parang nagigising lang tayo pag nababahala dahil may ganyang pangyayari. Tama. Pero actually marami na ring nakapag-file ng mga bills para amyendahan ang Commonwealth Act 616 kasi nga masyadong luma na at hindi na attuned sa time natin ngayon. Katunayan ang Commonwealth Act na yan di lang PH ang involved, parang crime na rin yan against US and rightly so dahil Commonwealth Act. Tama ang panawagan ng NSC na kailangang magsabatas ng amendment sa Commonwealth Act 616.”

“Ito lang ang nahuli pero I think marami pa diyang mga espiyang nakakalat. And normal naman yan kasi talaga namang may third country operations ang iba’t ibang bansa through their embassies. Ang cover nila, tayo ganoon din ginagawa natin, ang ating embassies sa iba’t ibang panig meron tayong defense attaches, police attaches, kasama sa job description nila although palihim ang mag-espiya para sa national interest natin. Ganoon din sa ibang bansa at di natin sila binibigyan ng sisi rin although lookout nila pagka nahuli sila tulad ng ganyan. Yung mga nag-e-establish ng coordinates, dapat masusi ang pag-imbestiga na gawin ng intel community, NBI and lahat ng law enforcement agencies.”

Sa kabilang dako sa legislation, kailangan talaga mapamadali at masusi. Ang parusa pwede nga probation, 6 months 1 day to 6 years. Ang sabi ng abogado prision correccional. Napakababa. May panukalang batas para itaas ang penalty hanggang reclusion perpetua.”

* Whether Filipino Companions can be Charged with Espionage:

“Yes definitely. Kasi espionage ang sinasabi dito mag-obtain ng information o mag-allow ng pag-obtain ng info laban sa isang bansa na parang ang noong 1941, panahon ng giyera. Dapat ma-expand ang coverage at ma-adopt natin sa present times natin kung saan naiba ang landscape involving risks na hinaharap natin galing sa ibang bansa.”

* Including Technology in Anti-Espionage Legislation:

“Kailangan agad-agad though masusing pag-aralan maka-adopt tayo sa modern communications technology.”

Exit mobile version