Site icon PING LACSON

Ping: Na-promote at na-demote si Lapeña; Guerrero dapat magpakitang-gilas sa BOC

Promosyon pero demosyon.

Ito ang pagsasalarawan ni Senador Panfilo Lacson sa pagkakatalaga kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña bilang pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), matapos ang kontrobersiyal na pagkakalusot ng tone-toneladang shabu.

Sinabi ni Lacson na bagama’t promosyon mula sa BOC ang bagong posisyon ni Lapeña bilang pinuno ng TESDA na tinuturing na Cabinet post, ito ay demosyon sa ibang aspeto.

“It may well be a promotion in rank and position, but definitely a demotion in trust and confidence,” ani Lacson.

Related: Lacson: Incoming BOC Chief Has Big Boots to Fill

Pero hindi umano ito nangangahulugan na nagkaroon na ng partisipasyon si Lapeña sa mga ilegal na aktibidad sa BOC na nagresulta sa pagkakalusot ng shabu sa dating hurisdiksiyon ng opisyal.

“It’s a pity because save for the big shabu shipment that got away, apparently due to collusion between the drug syndicate and some low-level Customs officials, former Commissioner Lapeña was doing a good job proven by consistently exceeding the Bureau’s target collections,” ayon kay Lacson.

Ang maayos na record din ni Lapeña sa koleksiyon ng buwis buhat sa inangkat na mga kalakal ang naging batayan ni Lacson para payuhan ang pumalit sa kanya sa BOC na si Commissioner Leonardo Guerrero.

Ayon kay Lacson, sa umpisa ay dapat na matapatan ni Guerrero ang madalas na paglagpas ni Lapeña sa target na koleksiyon ng BOC.

“I hope retired General Guerrero can fill in the big boots left by Lapeña but not suffer the same fate as he did,” banggit pa ni Lacson.

Idinagdag pa ni Lacson na ang naturang paglipat ay nagpapakita na isang seryosong bagay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera laban sa droga.

“Having said that, the President has once again shown zero tolerance as far as his war on drugs is concerned,” banggit pa ng mambabatas.

*****

Exit mobile version