Noong nakaraang linggo, napag-desisyunan ng senador na bawiin ang kanyang pagsuporta sa death penalty dahil mas mabuti na aniya ang mabuhay ang isang kriminal kaysa kitilin ang buhay ng isang inosenteng tao na biktima ng maling paghatol.
“Mas mainam na ang guilty ikulong habang buhay sa halip na inosente ma-execute dahil sa pagkakamali,” sabi ni Lacson.
Isinulong naman ni Lacson ang parusang habambuhay na pagkakakulong at reporma sa pagpaparusa sa mga kriminal. Sinuportahan din ni Lacson ang suhestyon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III’s na ikulong ang mga drug lord sa isang “super max” penitentiary kung saan tatanggalan sila ng anumang uri ng pakikipag-komunikasyon sa mga nasa labas ng kulungan.