
Sa 2022 at sa mga susunod na taon, kailangan nang dumaan sa masusing pagpaplano at konsultasyon sa lokal na otoridad at ahensya ang mga development projects ng mga mambabatas.
Ayon kay Senador Ping Lacson, hindi na kaya pa ng bansa na magsayang muli ng bilyun-bilyong pondo na unutilized funds dahil sa korapsyon na may kinalaman sa “pork.”
“Kailangan dumaan sa masusing pagpaplano. Maski mag-‘insert’ ka basta may consultation,” ani Lacson, na nakilala sa kanyang paghaharang sa bilyun-bilyong kwestyonableng proyekto sa taunang pagbubusisi sa national budget.
Related: Lacson: Lawmakers’ Pet Projects Should Undergo Planning, Consultation
