
Kailangan na ng “positibong” government intervention para matulungan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na makabangon mula sa epekto ng pandemya.
Ayon kay Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson, ito ang dapat gawin sa halip na overregulation na pumipigil sa pribadong sektor na mas makatulong sa economic recovery.
Binubuo ng MSMEs ang halos 99.5 porsyento ng mga negosyo sa bansa at 63.2 porsyento ng kabuuang labor force.
Related: Lacson Pushes ‘Positive’ Govt Intervention to Help MSMEs Recover from Pandemic
