Site icon PING LACSON

Ilocanos’ 3Ms: Key to Better Future for Filipinos – Ping

YouTube Poster

LAOAG, Ilocos Norte – As he started his Senate bid here Tuesday, former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Tuesday highlighted the 3Ms that represent the best traits of Ilocanos: “Masinop, Masipag at Matapat (Frugal, Industrious, and Loyal).”

In his speech at the kickoff rally for senatorial bets of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas, Lacson said these three traits can greatly help in building a better future for our nation.

“When I visit Ilocos Norte or any part of the Ilocos region, three traits of Ilocanos come to mind – frugality, industriousness, and loyalty,” he said in Filipino.

“The Ilocano is frugal and industrious to ensure a better future for his children. And the Ilocano is loyal,” he added.

Related: 3Ms ng Ilokano, Susi sa Magandang Kinabukasan ng mga Pilipino – Ping

He cited three Ilokanos in Malacanang who embody the three Ms: Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile for “masinop,” Executive Secretary Lucas Bersamin for “masipag,” and President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. for “matapat.”

“If I am given the chance to serve, I will help President Marcos in his efforts to ensure a brighter future for our nation and for future generations of Filipinos,” he added.

Earlier, Lacson recalled the support he got from the “Solid North” when he topped the senatorial race in this city in 2016.

“I reviewed my voting history here. In 2016, I topped the senatorial race in Laoag City; and was No. 2 in the whole Ilocos Norte province, behind only now-Speaker Martin Romualdez,” he said.

Meanwhile, Lacson also called on fellow candidates not to engage in negative campaigning, saying it is better to emphasize their track record and experience, instead of throwing dirt on their rivals.

“Two words: Golden Rule. Do not do to others what you do not want done unto you,” he said. “Nothing good will come out of negative campaigning. Rise on your own merits. Cite your track record, experience, and your plans instead of putting down others.”

*****

3Ms ng Ilokano, Susi sa Magandang Kinabukasan ng mga Pilipino – Ping

LAOAG, Ilocos Norte – Sa pagsimula ng kanyang kampanya para senador dito nitong Martes, iginiit ni dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson ang “3Ms” na kumakatawan sa mga Ilokano: “Masinop, Masipag at Matapat.”

Sa kanyang talumpati sa kickoff rally ng senatorial bets ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, ipinunto ni Lacson na ang mga ugaling ito ay susi sa pagbuo ng mabuting kinabukasan para sa ating bayan.

“Tuwing madadalaw ako sa Ilocos Norte o saan mang bahagi ng Ilocos Region, tatlong natatanging katangian ng Ilokano ang agad sumasagi sa aking isipan: Masinop, Masipag, at Matapat,” aniya.

“Ang Ilokano ay likas na masinop para masigurado ang kinabukasan ng kanyang mga anak at mga apo. Ang Ilokano ay masipag upang matiyak na natataguyod nang matiwasay ang kanyang pamilya. At higit sa lahat, ang Ilokano ay matapat,” dagdag niya.

Binanggit ni Lacson ang tatlong Ilokano sa Malacanang na kumakatawan sa 3M: si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na “masinop,” si Executive Secretary Lucas Bersamin na “masipag,” at si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “matapat.”

“Ako po, kung sakaling bibigyan ng pagkakataon ay tutulong, magiging katuwang ni PBBM sa pagtataguyod upang maging maganda ang kinabukasan ng ating bansa at kinabukasan ng susunod na lahing Pilipino,” aniya.

Bago ang kanyang talumpati, ginunita ni Lacson ang suporta na nakuha niya sa “Solid North” nang naging No. 1 siya sa lungsod na ito noong 2016.

“Ni-review ko po bago pumunta dito ang history ng boto ko dito. Noong 2016, last senatorial run ko, ako po ay No. 1 sa Laoag City at sa buong Ilocos Norte, No. 2 ako kay ngayo’y Speaker Martin Romualdez,” aniya.

Samantala, nanawagan si Lacson sa kapwa kandidato na huwag makipag-negative campaigning, at mas mainam na ilabas ang track record at karanasan, sa halip ng paninira sa mga karibal.

“Two words: Golden Rule. Kung ayaw mong gawin sa iyo ng kapwa mo, huwag mo rin gawin,” aniya. “Walang maidudulot na maganda ang negative campaigning. Rise on your own merits. Gamitin mo ang sarili mong track record, experience, at gagawin mo sa halip ng manira ng iba.”

*****

Exit mobile version