![]()
Para matulungan ang mga Pinoy na makabangon sa mga problema dulot ng pandemya, nanawagan si Senador Ping Lacson nitong Huwebes para sa mabilisang rollout ng National ID system.
Ayon kay Lacson na isa sa may-akda at sponsor ng batas nang nasa Senado pa ito, matutugunan ng National ID ang mga isyu sa ayuda at iba pang serbisyo para sa publiko.
Dagdag pa ng senador, maiiwasan ang korapsyon kapag mabilis na naipatupad ang National ID System, pati na rin ang digitalization at interoperability ng mga sistema sa mga ahensya ng gobyerno.
Related: Lacson Pushes Acceleration of National ID Rollout
