Ping: Isang ID lang para mabilis ang transaksiyon

Kung isang identification card (ID) na lamang buhat sa pamahalaan ang ibibigay sa publiko, laking ginhawa ang tatamasahin ng mga ito sa pakikipagtransaksiyon sa iba’t ibang mga ahensiya, pampubliko man o pribado.

Ito ang pangunahing adhikain ni Senador Panfilo Lacson sa pagsusulong ng Senate Bill 41 na natutungkol sa paglikha ng National Reference System na nagsusulong na pag-isahin na lamang ang mga ID na iniisyu ng pamahalaan.

Paliwanag ng mambabatas sa kanyang panukala, napakahirap umano para sa isang mamamayang Filipino na isaulo ang mga numero ng iba’t ibang ID na iniisyu ng pamahalaan kaya’t natural lamang babagal ang proseso at transaksiyon ng mga ito. 

[Basahin: Senate Bill 41, National Reference System Act of 2016]

View Fullscreen

Sa ngayon, kabilang sa mga ID na ipinagkakaloob sa mga mamamayan ay ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), pasaporte, lisensiya at marami pang iba.

Ayon pa sa mambabatas, kung iisa na lamang ang ID na ibibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan nito, hindi na magiging mahirap para sa mga awtoridad na tugisin o hanapin ang nagtatagong kriminal.

“A National Reference System can also help government law enforcers deter criminality and terrorism by facilitating the processes of apprehension and prosecution,” bahagi ng paliwanag ng panukala ni Lacson.

“In the Philippines, experience tells us how the public suffers constant delays and inconveniences in availing of basic public services and social security benefits due to inefficient and unreliable means of identifying the beneficiaries. Moreover, the quantum leaps in the tides of criminality and the continuing challenge of terrorism have rendered the need for a national identification system more urgent than ever,” banggit pa ng mambabatas.

Sa ilalim ng panukala ni Lacson, matapos malikha, magiging trabaho ng National Reference System na pagsama-samahin ang mga impormasyon ng isang tao at batay sa mga ito ay pagkakalooban na lamang ng isang ID ang indibiduwal.

“The Card shall serve as the only official identification of the person to whom it is issued and shall be valid, accepted and honored, upon presentation, in any transaction requiring the identity, status, birth and other personal circumstance,” dugtong pa ni Lacson.

*****