Tindig ni Ping: Ping Lacson sa Mga Isyung Pambansa

Mga Quote ni Ping sa 20 Pinakamahalagang Isyu sa Bayan
[Mag-click o mag-tap dito para sa English version]


MGA ISYU:

1. BAYANIHAN FUNDS: Makatuwirang paggamit sa Bayanihan Funds.
2. BADYET: Bumabantay at sumisita sa mga umaabuso sa national budget.
3. KORAPSIYON: Tuloy-tuloy na kampanya laban sa lahat ng uri ng korapsiyon, ugat ng paghihirap ng bansa.
4. UTANG: Disiplina sa pananalapi para makontrol ang paglobo ng utang ng pamahalaan.
5. EKONOMIYA at DIGITIZATION: Putulin ang korapsiyon sa panahon ng pandemya para mabuhay ang ekonomiya.
6. EDUKASYON: Ihanda ang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
7. ENTERTAINMENT POLITICS: Dapat ipakita ng mga kandidato na handa silang magsilbi kapag nanalo.
8. KALIKASAN at KAPALIGIRAN: Ibilang ang kalikasan sa mga debate sa pulitika, lipunan at ekonomiya sa pagbuo ng mga polisiya.
9. MAGSASAKA at MANGINGISDA: Tulong sa magsasaka at mangingisda, at ipagtanggol sila sa mga banta.
10. LIBRENG INTERNET: Pagtiyak na makikinabang ang maraming Pinoy sa serbisyong internet mula sa gobyerno.
11. KALUSUGAN: Unahin ang kalusugan at kaayusan ng mga Pinoy lalo na sa panahon ng pandemya.
12. ILIGAL na DROGA: Protektahan ang mga Pinoy laban sa ilegal na droga.
13. MGA MUP at RETIRADO: Ibigay sa mga retirado at MUP kung ang nararapat sa kanila.
14. OFWs, SEKTOR ng PAGGAWA, at KAWALANG TRABAHO: Kikilos para sa mga OFW at lokal na trabahante at lilikha ng trabaho kahit pa bagsak ng ekonomiya.
15. PANDEMYA: Epektibo at mahusay na pagtugon sa mga epekto ng COVID-19 pandemic.
16. KAPAYAPAAN at KAAYUSAN: Bantayan ang mamamayan laban sa krimen.
17. SIYENSIYA at TEKNOLOHIYA; RESEARCH and DEVELOPMENT: Suportahan at itaguyod ang mga mananaliksik at R&D na sariling atin sa pagtugon sa kagipitan.
18. SENIOR CITIZENS: Ibigay ang para sa kanila batay sa umiiral na batas.
19. SPECIAL SECTORS: Paglikha ng batas at mga programa sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
20. WEST PHILIPPINE SEA: Pagtaguyod sa soberenya ng Pilipinas.

* ATBP: Mga karagdagang usapin.

*****


BAYANIHAN FUNDS

Kulang na Paggugol sa Pondo ng Bayanihan 2:

1. Nasa P205.117 bilyon ang inilaan sa Bayanihan 2, pero hindi ito nagugol nang naaayon sa pinaglaanan. Ang masakit pa, nagtapos na ang bisa ng Bayanihan 2 noong Hunyo 30, 2021.

“We should keep in mind that underspending is determined not by fund releases but by obligations and disbursements. And based on my research, is there underspending? Yes!”

“Of the P205.117-billion allotment under Bayanihan 2, agencies incurred an obligation of P187.844 billion, or an obligation rate of 91.58 percent. But only P141.447 billion was disbursed, for a disbursement rate of 75.30% and 24.7% has not been disbursed. This can be considered huge underspending with P46.397 billion undisbursed and P17.273 billion unobligated.”

2. Ang resulta, hindi nakarating ang ayudang para sa mga Pinoy na ang buhay at ikinabubuhay ay apektado ng pandemya. Kabilang sa mga napagkaitan ay ang mga nasa online learning program ng DepEd, pati na rin ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

“If the money was not fully disbursed, the affected Filipinos suffer because they are denied the aid meant for them. It is a disservice to many, to say the least.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


BADYET

Halagang Inuutang ng Gobyerno:

1. Mula 2017 hanggang 2019, nangungutang ang pamahalaan ng halos P1 trilyon taun-taon.

2. Pero sa kada halos P1 trilyon na inutang, nasa P331 bilyon ang hindi nito nagugugol.

From the DBM website, from 2017-2019, ang inuutang natin almost P1 trillion a year pero ang unused appropriation, P331B. Di ba yan hindi sound fiscal policy. Kung kailangan ng pamilya P10K, kinikita P8K, kailangan utang P2K. Bakit uutang ng P5K? Ang P3K hindi ka naman mag-invest, babayaran mo pa interest. Ganoon din sa national budget. P331B di magamit year in year out.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


KORAPSIYON

1. Malaki ang papel na dapat gampanan ng publiko para matigil na ang nagpapabalik-balik lamang na korapsiyon sa pamahalaan:

“It is high time to end the vicious cycle involving corruption cases where those involved lie low until the issue dies down – and the public can play a more active role to achieve this.”

“Some officials have lost all sense of shame. Even if charges are filed against them, they just lie low because they know that once the issue dies down and the public no longer thinks much of it, they can go back to their old ways. That said, the vicious cycle of corruption is not limited to those in government. It takes two to tango: those who corrupt – and the public who wittingly or otherwise turns a blind eye.”

2. Sistemang walang sini-sino ang kailangan ng pamahalaan laban sa korapsiyon:

“Consistency in fighting corruption will play a major role not only in restoring the trust of the Financial Action Task Force (FATF) and other international financial institutions, but can solve many other problems that beset our country even as we grapple with the effects of the pandemic.”

3. Alisin sa proteksyon ng Bank Secrecy Act ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan:

“When you enter the government service, you should not invoke the Bank Secrecy Act, to show transparency. This should apply to all public servants, from the President down to the lowest rank. Unfortunately, the bills I filed and refiled in this regard have not gotten off the ground.
In past years, we have seen a ‘selective’ implementation of laws. There must be consistency to regain trust. Until the people and the international community see that even perceived political allies are sent to jail for wrongdoings, there will always be that perception that certain influential people are exempt from our justice system.”

“In other words, more than leadership by example, it is more consistency that can make the big difference.”

4. Ihinto ang pagwaldas sa malalaking pondo ng pamahalaan para ihinto ang korapsiyon:

“As early as 2007, ang annual unused na appropriations pumapalo mahigit P400B. Bakit hindi gamitin?”

Leakage sa corruption malaki-laki rin. Kung 20% ng budget nawawala sa corruption, kung maayos paggamit at lahat magagamit at di masasayang, malaki ang magagawa.”

5. Lubayan na ang korapsiyon sa Philhealth:

“I have posed a challenge to the corrupt elements in PhilHealth, to declare a moratorium on corruption, at least during the pandemic. Who knows, they might actually learn that it feels good not to be corrupt, and thus develop an aversion to corruption.”

“Having said that, I also encourage those in PhilHealth who fight corruption in their own little way – the officials and rank-and-file who continue to provide information and documents – not to tire of blowing the whistle on corruption, even if we may not immediately see the results of their acts.”

“A corruption-free – and more importantly, corruption-averse – PhilHealth will not only ensure much-needed health benefits for all Filipinos in the long run. In the immediate term, it will ease the concerns of lawmakers, myself included, that the budget we pass for PhilHealth to do its job will not be lost to greed.”

6. Mga batas na produkto ng krusada laban sa korapsiyon:

* Republic Act 9485: The Anti-Red Tape Act of 2007 (13th Congress)
* Republic Act 9416: The Anti-Cheating Act of 2007 (13th Congress)

[balik sa MGA ISYU]

*****


PAMBANSANG UTANG

1. Umabot na sa P11.07 trilyon ang utang sa tala nitong katapusan ng Mayo at patuloy pa ito sa paglobo:

“Our national debt has ballooned to P11.07 trillion as of end-May. Each one of us, even those newly born, is in debt by P100,000. We must make sure taxpayers’ money will be used judiciously.”

2. Sa P5.024-trilyon na badyet para sa 2022, maaring pambayad-utang lamang ang P2 trilyon:

“By 2022, given the proposed P5.024-trillion budget, it is discouraging to know that there will only be around P3 trillion funds left if we exceed P2 billion for our debt servicing next year.”

3. Mali ang walang habas na pangungutang bilang patakarang pampananalapi:

“Borrowing of funds excessively which would later turn out unused, misused, and abused, is not a sound financial policy, as it means higher debt interest payments and imbalances on our overall cash flow.”

4. Maaring lumobo ng hanggang P13 trilyon ang utang ng mga Pinoy:

Lugmok ang ekonomiya natin, P11 trilyon ang utang from P9 trillion from December 2020. Bago bumaba ang Duterte admin, baka pumalo tayo P13 trilyon, from P9 trillion in Dec 2020.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


EKONOMIYA at DIGITIZATION

1. Bentahe ng pag-digitize sa ekonomiya:

Pag nag-digitize tayo, ang daming ma-solve. Pati revenue and expenditure side. Tayo na lang ang bansa na may DICT pero masyadong behind sa digitalization ng ekonomiya at pamumuhay.”

“I am confident that following the digitization track is the way to espouse effective and efficient performance in monitoring revenue collection and public expenditure. Just imagine minimal, if not totally none of the human intervention in tax and customs collection and automated processes for government transactions – that would mean lesser and ultimately zero odds of ‘tara’ and ‘tong-pats’, and all other forms and levels of kickbacks that stimulate the vicious cycle of graft and corruption in our country.”

2. Ayon sa mga eksperto, maganda ang epekto sa ekonomiya ng mga bansang nauna nang mag-digitize:

I’ve been talking to experts, Estonia and Ukraine, maski kanilang agriculture naka-digitalize. Computer generated, laki ng tulong in terms of economy kundi sa pagkuha ng revenues. Sa atin kitang kita natin.”

In this age of modern tech dapat nariyan na tayo sa phase ng digitization. Hindi pa huli ang lahat. Dapat mag-digitize na tayo hanggang maaga.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


EDUKASYON

1. Punahin ang mga magkakapareho o ‘duplicate’ na proyektong nasa loob ng isang alokasyonCalling out duplicate projects:

“It is no secret I consistently fought to delete duplicative programs in every appropriations measure. One of these is Tulong Dunong. I am grateful in 2019, my call was finally heeded to transfer whatever amount there is under the Tulong Dunong program to the Universal Access to Quality Tertiary Education.”

“Of the P8.5-billion increase in the CHED’s P43.8-billion budget for the Universal Access to Quality Education, only P3.285B was allotted for TES. If the remaining P5.23B is a lump sum, “I will suspect sa Tulong Dunong na naman ito napunta.”

Sen. Lacson proposed an amendment where the amount be returned under TES. “I assume it will be acceptable to CHED for proper monitoring.”

2. Nabuko at inilipat para sa libreng matrikula ng mga mag-aaral ng mga State Universities and Colleges (SUCs) ang P8.3 bilyon na inihalo sa budget ng DPWH para sa 2017:

Sa badyet para sa 2017, ini-realign ni Senador Lacson ang P8.3 bilyon na unang itinala bilang panlaan sa mga proyekto sa ARMM na ipapatupad ng ARMM Government (ARGMM) pero binaklas ng mga Congressmen at inilipat sa DPWH. Walang nabago sa pagkakagastusan maliban sa ang DPWH na ang naging implementing agency at hindi na ang ARGMM.

Naniniwala si Senador Lacson sa awtonomiya ang ARMM batay sa Organic Act at mandato ng Saligang Batas, kaya ang mga ito ang naging batayan upang mapunta sa higit na kapaki-pakinabang na gastusin ang naturang malaking halaga.

3. Ipinaglaban ang pagbalik ng P4.8B sa 2019 badyet ng TESDAP4.8B in TESDA’s 2019 budget:

“In 2018 they received the budget from the Commission on Higher Education in September. So there was little time to obligate. That is the reason why they have a very low obligation rate in 2018, only 58 percent.”

“I suppose the low obligation rate is the justification for not giving them enough money because they could not absorb the money. But it’s not their own doing. Had they received their portion of the budget earlier, they could have obligated much larger portion of their budget.”

4. Para sa 3.3 milyong mag-aaral na may kapansanan:

Noong 2019, isinulong ni Senador Lacson ang P100 milyon para sa assistive devices at iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral na may kapansanan; P5 milyon para sa mga kagamitan sa edukasyong pangkasarian, sa hangaring makaiwas sa maagang pagbubuntis; at P2 milyon para sa adbokasiya at kampanyang Water and Sanitation and Health (WASH).
Nasa 3.3 milyong kabataang may kapansanan na bumubuo sa 8 porsiyento ng populasyon sa mga edad isa hanggang 18 taong gulang ang makikinabang sa nabanggit na panukalang alokasyon (UNICEF, 2016). Karaniwan na lamang na hindi natutugunan ng mga pampublikong paaralan ang mga
pangangailangan ng mga batang may kapansanan. Wala pang 3 porsiyento din lamang ng mga batang may kapansanan ang nakakapag-aral. Sa School Year 2015-2016, nakapagtala ang DepEd ng 250,000 enrollees na may certain exceptionalities sa elementarya at nasa 100,000 naman sa high school.

5. Isinulong ang paginaas ng badyet ng Department of Education para sa mga sumusunod na programa sa taong 2021:

* Flexible Learning Options na nagkakahalaga ng P3,600,000,000. Ito ay masuportahan at mabigyan ng prayoridad ang pamamahagi ng self-learning modules sa mga estudyanteng kinakapos sa pantustos sa pag-aaral, walang internet at ibang mga pangangailangan.

* Last Mile Schools Program sa halagang P5,000,000,000. Layunin ng programa na maabot ang pinakamalalayong komunidad lalo na ang mga nasa Geographically Isolated, Disadvantaged, and Conflict-Affected (GIDCA) areas pati na rin ang nasa lungsod na kahalintulad nila.

6. Pinaglaanan ng badyet ang mga programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng institutional amendments:

* Sa pag-amyenda sa mga panukalang gastusin noong 2020 at 2021: Naging krusada na ni Sen. Lacson ang pagsusulong sa karagdagang badyet para mapondohan ang Last Miles Schools Program. Layunin ng programa na ayusin ang situwasyon sa pag-aaral ng mga batang nasa Geographically Isolated, Disadvantaged and Conflict-Affected (GIDCA) areas at mga kahalintulad na lugar sa urban centers. Kapag kapos ang pondo, hindi makakamit ng programa ang misyon nitong mapabuti ang mga mag-aaral sa mga lugar na ito.

* Dagdag na badyet para sa kalusugan ng mga kabataan, sa 2018 at 2020 budget amendments:Naging adbokasiya din ni Senador Lacson ang pagpopondo para sa milk and food supplements sa ilalim ng School–based Feeding Program ng Department of Health sa mga mag-aaral na masyadong kinukulang at kinukulang sa sustansiya sa katawan.

7. Mga batas at panukalang batas tungkol sa edukasyon:

* Republic Act 11476: GMRC and Values Education Act (co-author; Senate Bill 1224) 18th Congress
* Republic Act 11053: The Anti-Hazing Law of 2018 (Senate Bill 1662) 17th Congress
* Republic Act 9163: National Service Training Program Act of 2001 (12th Congress)
* Senate Bill 1247: An Act Strengthening and Protecting the Land Ownership of DepEd School Sites View/Download the bill

[balik sa MGA ISYU]

*****


ENTERTAINMENT POLITICS o PULITIKANG IDINADAAN SA ‘KWELA’

“I think it’s about time because of all these developments, maging mature ang electorate. Kung sino tumutulak tingnan muna anong lawak ng problema.”

“Kami ni SP Sotto naroon sa prosesong nagkokonsulta, sa consultation kami. Kung sa tingin namin di namin kakayanin ang nakaabang na problema bakit pa tayo tutuloy, ano io-offer natin, failure?”

“Dapat may knowledge how to solve the enormous problems. Over the years naging takbo ng pulitika sino magaling sumayaw, kumanta, magbigay ng lip service o magbigay ng pera.” “General itong statement ko, this is a matter of fact. Alam natin ito ang reality. Kaya lang sinasabi ko dapat mamulat ang kababayan natng hindi biro biro ang problema ng bansa natin para pagtuunan mas mature na pagiisip ng ating leaders. Di lang mature voters ang kailangan kundi mature candidates.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


KALIKASAN at KAPALIGIRAN

1. OPARR Para Tulungan ang Nasalanta ng Yolanda:

Naitalaga si Senator Lacson bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) na umaktong overall manager at coordinator sa rehabilitasyon, pagbangon at muling pagtatayo sa mga tinamaan ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan). Nabuo at naisumite ni Lacson sa tulong ng kanyang mga tauhan ang detalyadong Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) sa kabila ng kahirapang dinanas bunga ng limitadong kakayahan sa ilalim ng kanyang mandato. Kabilang sa mga nilalaman ng CRRP ay ang public-private partnerships; hilera ng istraktura para sa imprastraktura, serbisyong pampapamayanan, paglipat sa mas ligtas na lugar, kabuhayan at suporta para maisakatuparan ang ‘Build Back Better’ vision para sa 171 lungsod at bayan ng 14 lalawigan sa anim na rehiyon na sinalanta ng Haiyan.

2. Panukalang Philippine Building Act of 2019:

Iniakda ni Sen. Lacson ang Senate Bill 1239, ang panukalang Philippine Building Act of 2019, na magpapapatibay sa umiiral na National Building Code of the Philippines. Layunin nitong tiyakin na tutugma sa disaster preparedness ang pangkabuuang alituntunin sa pagtatayo ng mga gusali at imprastraktura sa hangaring mailigtas ang mga tao at ari-arian sa anumang mapanirang pinsala ng mga kalamidad, tao man o kalikasan ang may gawa.

3. Hindi Kayang Labanan ng Isang Bansa Lamang ang Epekto ng Climate Change:

“The effects of global warming have become evident in that a lot has changed in our environment. The deadly flooding that devastated parts of western Europe is the most recent – and grim – proof of this.”

“No nation can do it alone. It is time for the community of nations to really take this issue very seriously. The Earth can only take so much abuse, cruelty and punishment from man. If we still cannot see some obvious acts of revenge from Mother Nature, we may wake up one day personally witnessing her fury upon us, one way or the other.”

Isang kayang gawin, magtanim ng puno. This calls for civic duty of the citizenry. Ito pinangunahan ng Rotary Clubs.”

4. Honorary member ng ‘I Love the Ocean’ Movement:

Mayo ng taong 2000 nang tanggapin ng noon ay dating PNP Chief Lacson ang kanyang “I Love the Ocean” honorary membership card sa Kampo Crame.

5. Badyet:

Noong 2019, pinangunahan ni Senador Lacson ang pagsusulong sa P2.352 milyon dagdag sa pondo ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) para sa pagbantay ng mga Pollution Laboratories sa Visayas at Mindanao sa mga greenhouse gases. Bago ito ay ipinanakula niya ang P2.5-milyon na budget increase para sa karagdagang pollution laboratories noong 2018 alinsunod sa pangangailangan ng EMB.

Para sa badyet para sa 2021, pinangunahan ni Lacson ang pagpondo sa “Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program for LGUs” sa badyet ng DILG-Office of the Secretary. Na-allocate ang P20 bilyon para sa Rehabilitation and Reconstruction ng mga lugar na direktang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, Bagyong “Quinta”, Super Typhoon “Rolly” at bagyong “Ulysses,” sa ilalim ng Allocations for Local Government Units-Local Government Support Fund.

[balik sa MGA ISYU]

*****


MAGSASAKA at MANGINGISDA

1. May-akda ng Republic Act 10969: The Free Irrigation Law (Senate Bill 43) 17th Congress:

2. Senate Resolution 685: Hakbang upang hikayatin ang Senate Committee of the Whole para busisiin ang krisis sa pagkain na dala ng ASF at pagbuo ng mga patakaran at solusyon na kokontrol sa pag-aangkat ng mga karne upang maisalba ang lokal na industriya at masawata ang ‘Tongpats’ sa mga nabanggit na ipinapasok produkto. (18th Congress)

3. Isa sa May-Akda ng Senate Resolution 684: Paglalahad ng saloobin ng Senado na hikayatin ang Pangulo na isantabi ang rekomendasyon ng DA na ibaba ang taripa ng mga inangkat na karne ng baboy at himukin ang ahensiya na magdeklara ng State of National Calamity bunga ng malubhang epekto ng ASF sa Swine Industry (18th Congress)

4. Sa paglalaan ng badyet: Suportado ni Sen. Lacson ang Department of Agrarian Reform kaya isinama niya ang dagdag badyet sa ahensiya sa taong 2021 sa pamamagitan ng institutional amendments. Ito ay dahil sa kontribusyon ng DAR para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa tulong ng mga agrarian reform communities na pumasok na rin sa komersiyal ng produksiyon ng kanilang mga produkto na dulot ng mga bagong paraan at kagamitan sa pagsasaka. Dahil lumawak pa ang pamamahagi ng lupain sa mga benipisyaryo, unti-unti na rin silang hinuhubog ng DAR para sa cluster farming at pagsasama-sama sa mga grupo ng agrarian reform beneficiaries upang maugnay sa public-private collaboration. Para ito maisakatuparan, isinulong niya ang karagdagang P965,042,000 sa badyet ng ahensiya para mapondohan ang mga sumusunod na proyekto:

* Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) —P15,693,000
* MEGA FARMS Pilot Project —P500,000,000
* Neo-Economic Opportunities in Government-Owned Land Distribution (NEO-GOLD) —P449,349,000

[balik sa MGA ISYU]

*****


LIBRENG INTERNET PARA SA LAHAT

1. Pinangunahan ang pagsulong sa badyet ng Department of Information and Communication Technology (DICT), partikular ang National Broadband Program na kabilang sa kailangan natin para makabangon sa COVID-19 pandemic na nagtulak sa atin para mag-digitize.

2. Sinusuportahan ang Technology Empowerment for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development (Tech4ED) project, isang shared facility na nagbigay daan para mapagsama ang ICT-enabled services at mga kaparehong bagay. Nagsisilbing tagapaugnay ang Tech4ED sa mas maayos na serbisyo ng pamahalaan. Instrumento rin ito para maabot ang mga komunidad na hindi masyadong nararating ng serbisyo ng pamahalaan.

[balik sa MGA ISYU]

*****


KALUSUGAN

1. Delta at mga Bagong COVID-19 Variants:

“It is sad that as individuals, we have developed this wrong attitude of checking on our medicine cabinets at home only when somebody already gets sick or hurt, when we should always be prepared with making available medicines for common colds, cough, fever as well as unexpected injuries and emergencies.”

“But it is pathetic that our national health authorities are no different, being reactive instead of proactive. Knowing the Delta variant has already gripped India and Indonesia, it seems they have not prepared adequately.”

2. Pagtugis sa mga Corrupt sa PhilHealth:

“We can – and must – make our health care program more meaningful by immediately putting in jail all those who stole our money, directly or otherwise.”

“A PhilHealth under new leadership should make sure that the funds it gets for 2021 to implement the Universal Health Care Act go to the intended beneficiaries instead of its favored few.”

3. Sa pagpuksa sa Korapsiyon sa Philhealth:

* Naging kapwa may-akda ni SP Sotto sa Senate Resolution 475 para buuin ang Senate Committee of the Whole sa pag-imbestiga sa korapsiyon sa Philhealth sa harap ng COVID-19 pandemic.

* Inayudahan ang health sector sa 2021 budget: Para matupad ang isa sa mga layunin ng Universal Health Care (UHC) Act, ipinanukala ni Senador Lacson ang dagdag-pondo na ilalaan sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) mula P5.9 bilyon tungo sa P14.6 bilyon o karagdagang P8.6 bilyon sa taong 2021. Nguni’t sa ilalim ng Senate version ay P6.4 bilyon lamang ang nairekomenda. Layunin ng HFEP na magtayo ng health facilities at bumili ng hospital equipment sa mga tinatawag na geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDA) at ibang lugar na tinukoy sa UHC.

[balik sa MGA ISYU]

*****


ILIGAL na DROGA

1. Pagsusuri sa pangkalahatang istratehiya, pagtutok sa lahat ng aspeto:

As we see it now baka kalagitnaan pa lang dapat review na ang overall strategy. Naka-focus tayo sa law enforcement nakalimutan natin ibang aspeto, prevention and rehabilitation aspects.”

For the longest time lahat na drug lord na malalaki sa Munti. Ang drug lords, ang sarap ng buhay roon. Tapos marami tayong nababalitaan daang milyon ang lagayan tapos makumpiska sa BOC ilang tonelada. How about ang nakalusot? Ang daming nakalusot na di nahuli, lumabas sa investigation nakalusot, nailusot naman. Siguro dapat review-hin. May 1 taon pa, at mag-adjust sa overall strategy.”

2. Ilayo sa droga ang mga kabataan:

Noong time ni President Estrada, nag-import kami ng LA Police, DARE (Drug Abuse Resistance Education). Nag-implement niyan dito ang pulis na maganda ang presentation sa sarili at alam ang sinasabi, nagle-lecture sila, guest teachers sa schools, tungkol sa droga ang sinasabi sa elem and even HS students. Yan ang prevention.”

There is a solution in sight, but it will take a long time bago ma-address ang kabuuan na problema sa illegal na droga.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


MGA MUP at RETIRADO

1. Pinangunahan ang pagsulong ng Senate Joint Resolution 10, na nagpapahintulot sa umento sa base pay ng militar at iba pang uniformed personnel na nasa gobyerno. Nakapaloob din dito ang dagdag sa pensiyon ng mga retiradong MUPs na ipinareho na sa base pay scale ng mga MUP na nasa aktibong serbisyo mula Hunyo hanggang Disyembre 2019. Sakop nito ang Armed Forces of the Philippines – General Headquarters (AFP-GHQ), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), National Mapping and Resource Information Authority, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“On behalf of the 220,000 MUP retirees, let me say a lifetime ‘THANK YOU’ to PRRD for Joint Resolution No 1. No other President has shown such concern for those who served and offered their lives for the country and people. All we have to do is continue breathing for as long as we can.”

2. Mga nagawa sa sektor bilang mambabatas:

* Senate Bill 312: Repealing the Minimum Height Requirement for Applicants to the PNP, BFP and BJMP (co-author with Sens. Zubiri, Sotto) View/Download the bill
* Republic Act 9166: An Act Increasing the Base Pay of the Members of the AFP (12th Congress)
* Republic Act 9163: National Service Training Program Act of 2001
* Senate Bill 249: The National Defense Act of 2019

3. Upang maisaayos ang mekanismo para sa mga MUPs:

“Ang pangamba ang kailangang seed money para retirement pay ng MUP, P9.6 trillion. Hopefully ang legislation dito maipasa bago matapos ang admin kasi napaka-urgent nito.”

4. Inisponsor ang mga pondo para sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na gagamitin sa mga kawani nito at pagbili ng medical equipment na parehong hindi naisama sa panukalang gastusin ng pagamutan sa taong 2021. Ang pondo ay para sa suweldo ng karagdagang 800 tauhan na may Contract of Service (COS) at Job Order (JO), sa VMMC. Ang mga tauhan na ito ay pawang frontliners na mahalaga sa arawang operasyon ng ospital, lalo sa panahon ng pandemya. Gagamitin din ito sa pagbili ng bagong Cobalt-60 external beam radiotherapy machine pamalit sa lumang makina na maaaring mapanganib dahil 40 taon na itong ginagamit.

[balik sa MGA ISYU]

*****


OFWs, SEKTOR ng PAGGAWA, at KAWALANG TRABAHO

1. Dagdag Allowance sa mga Guro:

Isa sa institutional amendments ni Senador Lacson sa mga panukalang badyet sa mga taong 2017 at 2018: Sa taong 2017 ay ang pagdagdag sa Cash Allowance ng mga guro mula P1,500 tungo sa P2,500 na naipasok sa 2017 GAA. Noong 2018, isinulong niya na maging P5,000 ang P2,500 bagama’t P3,500 lamang ang naaprubahan. Laging nasa prayoridad ni Senador Lacson sa deliberasyon ng badyet taun-taon ang pagpondo sa dagdag na allowance ng mga guro.

Ipinaglaan din ni Senador Lacson ang P910,209,000 para sa Medical Examination ng Public Schools Teachers sa buong bansa na sumasakop sa 10,000 bagong guro na nasa frontline services duties gaya ng mga namamahagi ng modules sa public schools at mga pagkain sa ilalim ng School-based Feeding Program.

2. Kapakanan ng mga nurse:

Sa pamamagitan ni Senador Lacson, naisama sa 2020 Budget ang special provision na “Increasing the Salary Grade of Government Nurses”, kung saan nagtatakda sa Salary Grade 15 bilang base pay ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno. Alinsunod ito sa Supreme Court decision (G.R. 215746). Ang Special Provision na ito ang naging legal na basehan ang DBM para iangat ang entry-level na suweldo ng government nurses sa pamamagitan ng Budget Circular 2020-4.

“Definitely, no amount is enough to show our appreciation for the sacrifices and hard work of our nurses, especially those in the front lines. Still, this pay increase – which was sought even before the COVID pandemic hit – will be of help to them in one way or another.”

3. Solusyon vs Child Labor:

Sa ilalim ng 2021 budget ay napadagdag ni Sen. Lacson ang P52,132,000 sa pondo ng DOLE-Office of the Secretary for Welfare Services para mas mapalakas pa ang kampanya ng ahensiya laban sa nabanggit na gawain.

4. Digitization Para Tugunan ang Pagkawala ng Trabaho:

“First kailangan ma-address ang pandemic yan ang top priority. Ang long-term ang economy natin kasi tayo na lang nagpapahuli sa digitization.”

“We can find solutions to unemployment and loss of jobs kung sumisibol ang economy. So we must innovate and adapt to the prevailing situation.”

“We are in consultation with qualified resource persons to craft a master plan to address all these issues.”

5. Mga panukalang batas sa sektor ng paggawa:

* Senate Bill 1380: An Act Mandating All Barangays to Create a Registry of Skilled Workers View/Download the bill (18th Congress)
* Senate Bill 253: Upgrading the Benefits and Incentives of Barangay Tanods. View/Download the bill (18th Congress)
* Senate Bill 252: Additional Barangay Captains’ Insurance Act of 2019

[balik sa MGA ISYU]

*****


PANDEMYA

1. Kailangan na masuri ang sistema ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya at kagipitan:

“Now is the time for an evaluation, what the government did right and what it did wrong. Instead of rejecting constructive criticism, it should accept it as part of their planning and continuing assessment. Our aim is to call their attention to things they may not realize. No one has a monopoly of wisdom and knowledge.”

“The plans should not be limited to slideshow presentations. Pagdating sa demo, perfect. Pero baka hindi napag-aralan ang ibang challenges na practical ang application, hindi na-anticipate. Kaya dapat tuloy-tuloy ang pag-aaral.”

“The private, especially the business sector, is the national government’s natural ally. Aside from their patriotism and corporate social responsibility, they cannot afford to have their employees get hit by COVID because their business will suffer, thus their willingness to help. Should we not grab such an opportunity?”

2. Dahil sa pandemya, ang 2022 elections ang pinakamahalaga at pinakadapat seryosohin ng taumbayan:

“This is serious, very serious especially because of the pandemic. I think the decision we will make in 2022 is the most serious and important decision we all have to make and we should really think carefully.”

“My hope and prayer is that the campaign leading to the May 2022 polls will be a campaign of issues, and not a campaign of entertainment.”

3. Masakit na epekto ng pandemya sa buhay at ekonomiya ng mga Pinoy:

“Nakabaon tayo sa utang. Maraming kumakalam ang sikmura, maraming nawalan ng trabaho. Maraming nagsara mga negosyo.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


KAPAYAPAAN at KAAYUSAN

1. Pagpuksa sa kultura ng pangongotong:

“The culture of kotong stopped and my men followed my strict “no-take policy” because I not only followed a single standard, but also showed leadership by example.”

2. Pamumuno bilang ehemplo ang sarili:

“If your subordinates so much as see you violating your own standards, why would they follow your orders? That is why there is no substitute for leadership by example.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


SIYENSIYA at TEKNOLOHIYA; RESEARCH and DEVELOPMENT

1. Panawagan sa mas malaking badyet para sa R&D:

“I have repeatedly raised the issue of the minuscule budgetary allocation for research and development (R&D) in the national budget year in, year out – an average of, lo and behold, 0.4% of the annual budget from 2016 to 2020, including 0.39% for 2020. For the same five-year period, the DOST’s average budget is only P20 billion or a meager 0.56% against the trillions of pesos that we pass every year as our national budget. This, even as I consistently amended the budget measure by augmenting the budgets of the Department of Science and Technology and its programs. For 2020, I sought a P50M increase for NICER, P100M increase for STAMINA4Space and a P100M increase for CRADLE; as well as P537.991M for UPLB’s National Institute of Molecular Biology and Biotechnology.”

“Had our homegrown scientists been given the much-needed additional budgetary support for R&D, who knows how much more they can contribute? As it is, by not supporting them adequately, we’re wasting their talents and opportunities to help our nation.”

2. Sa halip na umasa sa ‘Google shopping,’ kailangan nating humubog at magkaroon ng sariling R&D:

Kung kailangan ng kagamitan, ang R&D natin Google. Noong Chief PNP ako meron tayong directorate for R&D tapos pag may kailangan Google kayo para mag-shopping.”

Di ba dapat harness tayo sariling kakayahan para export ang invention natin? Ang scientist natin nasa ibang bansa kasi walang suporta ang gobyerno.”

3. Dagdag na badyet para sa R&D:

* Suporta sa University of the Philippines-Los Baños-National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH) (P537,991,000). Ang Biotech ay nagiging isa nang pangunahing research and development (R&D) institution para sa basic and applied research tungkol sa molecular biology at biotechnology. Dahil tayo ay nasa panahon ng Artificial Intelligence and Biotechnology, kailangang masuportahan ang patuloy na pagtuklas tungo sa mas modernong operasyon ng BIOTECH sa ilalim ng mandato nito.
Bagama’t nakapaloob sa University of the Philippines-Los Baños-National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH) ang P537 milyon na amendments ni Senador Lacson, napasama pa ito sa mga natukoy na “For Later Release” at nailaan sa COVID-19 response kaya P75 milyon ang naisama sa badyet para sa nabanggit na programa sa taong 2021.

[balik sa MGA ISYU]

*****


SENIOR CITIZENS

* Nag-akda sa Senate Bill 29: Parents Welfare Act of 2019.

[balik sa MGA ISYU]

*****


SPECIAL SECTORS

* Senate Bill 1210: Electrical Engineering Act. View/Download the bill
* Republic Act 9484: The Philippine Dental Act of 2007 (13th Congress)

[balik sa MGA ISYU]

*****


WEST PHILIPPINE SEA

1. Balance of Power:

“Ang problema natin were so friendly with China, nakaligtaan natin may balance of power. Paano tayo mag-shift uli sa foreign policy natin na binabalewala natin ang pwede mag-provide ng balance of power, which is the west? Kung doon ka kakampi masyado may problema ka rin.”

2. Diplomatic Protests:

“Diplomatic protests may not be too helpful anymore as China continues to ignore the same. Further, while it is a standard document used to call the attention of the other party, China’s consistent attitude of taking for granted such action taken by the DFA reduces it to a mere point of information. That said, perhaps China would not be so dismissive if we and our allies, both in the Asia-Pacific and the west, show we can band together to maintain a balance of power in the region, including the West Philippine Sea.”

3. Pagkakaisa ang Kailangan:

“Dapat magsimula tayo na nagkakaisa tayo na dapat ipaglaban natin ang ating sovereignty and territorial integrity. Dapat walang kinalaman ang bakuna sa usaping territorial integrity and national sovereignty.”

4. Muling Suriin ang Relasyong Pandiplomasya ng Pilipinas at Tsina:

“Maybe a review of the country’s diplomatic relations is timely and called for. All the diplomatic protests that the Secretary of Foreign Affairs filed have been ignored as if nothing was filed at all.”

5. Tuluyang Pagsikap para Maging Ganap na ang Ating Arbitral Victory:

“Let us see this day for what it truly is: Commemorating a hard-won battle, but a victory still incomplete. We must, therefore, press on to complete the victory.”

[balik sa MGA ISYU]

*****


ATBP.

KARAPATANG PANTAO: Inuuna sa mga prayoridad ang pangagalaga at pagpapahalaga sa karapatang pantao.

1. Si Sen. Lacson ang nag-i-isponsor sa gastusin ng Commission on Human Rights mula pa noong 2016 hanggang 2021. Sa taong 2021, P907.098 milyon ang panukalang badyet ng CHR. Nakapaloob dito ang P39 milyon para sa Human Rights Violation Victims Memorial Commission.

2. Iniakda rin niya ang Senate Resolution 559, na naglalahad sa Oversight Authority ng lehislatura sa usapin ng Red-Tagging/Red-Baiting ng sektor ng tanggulan ng bansa sa ilang personalidad at grupo.

3. Si Senador Lacson din ang may-akda sa Republic Act 9208, ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (12th Congress).

 

LEGACY: Ang gusto iwanan ni Sen. Lacson sa mga Pilipino.

“I would like to think that the best legacy we can leave behind sa next generation of Filipinos, yung magkaroon ng self-respect at saka ang dignity mabalik. How? Good government. At ang mga mamamayan natin natutong maibalik ang respect and trust sa govt and matutong magkaroon ng self-respect. Yan ang the best legacy we can leave behind. Not just me but people of my generation.”

[balik sa MGA ISYU]

*****