Ping: Pandemya Magtatala ng Pinakaseryoso, Pinakamahalagang Halalan sa 2022

Senate President Tito Sotto and Senator Ping Lacson in La UnionLA UNION – Maitatala bilang pinakaseryoso at pinakamahalaga ang pambansang halalan sa susunod na taon bunga ng samu’t saring problemang kinakaharap ng bansa na pinangungunahan ng pandemya sa COVID-19.

Binanggit ito ni Senador Panfilo Lacson sa pakikipag-usap niya at ni Senate President Vicente Sotto III sa mga mamamahayag na nakabase rito, bilang bahagi ng kanilang “Tour of Luzon” na konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa mga posibleng solusyon sa mga problema ng bansa.

Apela ni Lacson, dapat na maging matalino at mapagmasid ang mga botante sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa batay sa mga problemang kinakaharap ng mga mamamayan.

“This is serious, very serious especially because of the pandemic. I think the decision we will make in 2022 is the most serious and important decision we all have to make and we should really think carefully,” banggit ng senador.

“My hope and prayer is that the campaign leading to the May 2022 polls will be a campaign of issues, and not a campaign of entertainment,” dugtong ng mambabatas.

Read in ENGLISH: Lacson: Pandemic Makes 2022 Election the Most Serious One in PH History

Kabilang sa mga malalaking problemang sasalubong sa mga susunod na lider ng bansa, ayon kay Lacson, ay ang P11.071-trilyon na pagkakautang ng pamahalaan na naitala nitong Mayo na tiyak nang lalaki pa hanggang sa matapos ang administrasyong Duterte.

“There are now 110 million Filipinos. Easily each of us, even those born just today, will already be saddled with a debt of P100,000,” ayon kay Lacson.

Ayon pa sa mambabatas, dapat piliin ng mga botante ang lider na walang sini-sino sa pagpapatupad ng mga patakaran at hindi ang mga gumagawa ng mga galawang iba ang tinitingnan sa tinititigan sa pagpuksa sa katiwalian.

Bilang halimbawa ay binalikan ng mambabatas ang kanyang patakaran bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP) taong 1999 hanggang 2001, kung saan ay nagpatupad siya ng mahigpit na “no-take policy” gamit ang sarili niya bilang batayan ng mga nasasakupan.

“If your subordinates so much as see you violating your own standards, why would they follow your orders? That is why there is no substitute for leadership by example,” banggit ni Lacson.

Sa mga problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, binigyan diin din ni Lacson na ang susunod na lider ay dapat may kakayahang magdugtong sa “disconnect” sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan pagdating sa prayoridad na proyekto.

Sa pagpapatuloy ng unang yugto ng kanilang pakikipagkonsultasyon sa iba’t ibang sektor sa Luzon, si Lacson at Sotto ay dumako sa Dagupan City at Lingayen at lalawigan ng La Union nitong Biyernes.

*****

One thought on “Ping: Pandemya Magtatala ng Pinakaseryoso, Pinakamahalagang Halalan sa 2022”

Comments are closed.