Senate President Tito Sotto and Senator Ping Lacson in La UnionLA UNION – Maitatala bilang pinakaseryoso at pinakamahalaga ang pambansang halalan sa susunod na taon bunga ng samu’t saring problemang kinakaharap ng bansa na pinangungunahan ng pandemya sa COVID-19.
Binanggit ito ni Senador Panfilo Lacson sa pakikipag-usap niya at ni Senate President Vicente Sotto III sa mga mamamahayag na nakabase rito, bilang bahagi ng kanilang “Tour of Luzon” na konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa mga posibleng solusyon sa mga problema ng bansa.
Apela ni Lacson, dapat na maging matalino at mapagmasid ang mga botante sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa batay sa mga problemang kinakaharap ng mga mamamayan.
“This is serious, very serious especially because of the pandemic. I think the decision we will make in 2022 is the most serious and important decision we all have to make and we should really think carefully,” banggit ng senador.
“My hope and prayer is that the campaign leading to the May 2022 polls will be a campaign of issues, and not a campaign of entertainment,” dugtong ng mambabatas.
Read in ENGLISH: Lacson: Pandemic Makes 2022 Election the Most Serious One in PH History
Continue reading “Ping: Pandemya Magtatala ng Pinakaseryoso, Pinakamahalagang Halalan sa 2022”