Bakit hindi patakbuhin ang gobyerno katulad ng isang malaking pribadong korporasyon, para mas maging epektibo ito?
Kabilang ito sa mga usapin na inilatag ni Senador Panfilo Lacson sa pakikipagpulong sa mga negosyante sa Pampanga at mga lokal na opisyal ng Malolos, Bulacan sa pagsimula niya at ni Senate President Vicente Sotto III ng “Tour of Luzon,” na kinapapalooban ng apat na araw na konsultasyon sa iba’t ibang sektor para alamin ang saloobin ng mga ito sa kung paano makatugon ang pamahalaan sa panahon ng kagipitan at pandemya.
Sa kanyang pagsasalita, iginiit ni Lacson na maraming matututunan ang gobyerno sa pribadong sektor – kasama ang mahusay na pangangasiwa ng pananalapi at ang pagbusisi sa mga proyektong nagawa na o ginagawa pa – para mas mainam na makaresponde sa problema ng bansa lalo na sa panahon ng pandemya.
“This is something we want to discuss with you: Isn’t it a sound concept to run the government like a private corporation? For example, many consider Singapore a big ‘corporation,’ in the sense that investments by the people come back to them in the form of social services and other forms of public service. We want to learn from you on these things. We know the companies you run would not be successful if your decision-making is not sound,” banggit ni Lacson sa konsultasyon sa negosyante sa Pampanga.
“In the case of our government, in the preparation of the budget plan for example, instead of the Development Budget Coordinating Council (DBCC) through the Department of Budget and Management (DBM) imposing a budget ceiling for the different agencies to work on, it should instead follow what private corporations do, like start from zero and make each of their departments to propose and justify before the board their annual budget,” dagdag ni Lacson.
Read in ENGLISH: Lacson Raises Fiscal Discipline, Empowering Local Government to Start ‘Tour of Luzon’
Ipinaliwanag din ng mambabatas ang kahalagahan ng digitization at automation ng mga proseso upang maiwasan ang manu-manong partisipasyon ng mga tao at malimitahan ang katiwalian sa mga transaksyon sa pamahalaan, at magiging sulit ang paggamit ng pamahalaan sa pondong galing sa utang.
Paalala ng mambabatas, umabot na sa P11.071 trilyon ang utang ng Pilipinas sa tala nitong Mayo.
“We borrow and borrow but we keep squandering the monies instead of properly investing them in our country’s development particularly in the countryside, where vast areas and resources are waiting to be tapped for future investment opportunities,” ayon kay Lacson.
Idiniin din nina Lacson at Sotto ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal at pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa pangangailangan ng lokal na pamahalaan batay sa rekomendasyon ng pinuno nito na nakakaalam ng situwasyon.
“No doubt, local government units and the national government are partners in promoting the welfare and well-being of the people. Every year, billions of pesos in the national budget go unused, while there is a gaping disconnect between the national government and the needs and priorities of the local government. One way to address this is to channel the unused billions to local governments for their development projects,” banggit pa ni Lacson na siyang nag-akda ng Senate Bill 23 o panukalang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) Act of 2019.
“The target is that once local governments have the needed funding for their development projects, this would encourage Filipinos to return to their home provinces – if health protocols allow,” dagdag ni Lacson.
Ang nabanggit na panukala ay iniakda ng mambabatas taong 2016 at 2019, kung saan layon nitong i-download sa mga lokal na pamahalaan ang mga pondong kailangan nila sa development projects. Nakapaloob sa panukala ang annual Local Development Fund na tutulong sa mga LGU na magpatupad ng tatlong taong Comprehensive Development Plan.
Nakasaad sa panukalang batas ang LDF para sa pagpopondo ng mga proyektong pangkaunlaran at mga programa na ibibigay sa mga lalawigan (P500 million to P1 billion kada taon); lungsod (P100 to P200 million kada taon); bayan/munisipyo (P50 to P100 million) at mga barangay (P3 to P5 million kada taon).
Ayon kay Lacson, isa ring magandang umpisa ang pangako ni DBM Secretary Wendel Avisado na hingian ang mga ahensiya ng sertipikasyon mula sa mga Regional Development Councils (RDC) para sa mga proyektong isasama sa panukalang pambansang badyet. Sa naging pagsusuri kasi ng mambabatas, nasa 25 porsyento lamang ng mga proyektong aprubado ng RDC ang naipasok sa National Expenditure Program na batayan sa pagbuo ng panukalang gastusin ng pamahalaan.
Ang mga inilahad ni Lacson sa nabanggit na yugto ng konsultasyon ay sinang-ayunan ni Sotto sa pagsasabing, “because we think we need a leader that listens, a leader who will get the pulse of the people and do what is right and not what the people around him thinks is right. It should be the people themselves. That’s why we’re here.”
“In my case, I am proposing a program to solve the problem of illegal drugs and drug abuse in the country and not the way it is being done now. There must be a holistic approach in doing this. With our track record in the Senate we would be able to come up with feedback from the business sector, from friends all over Luzon and later, Visayas and Mindanao,” ayon kay Sotto.
Inumpisahan nina Lacson at Sotto ang kanilang consultative tour Huwebes ng umaga sa pamamagitan ng pagdalaw at pagdarasal sa Barasoain Church sa Malolos (Bulacan) bago tumuloy sa Angeles City (Pampanga) at Tarlac.
*****
One thought on “Disiplinadong Pananalapi, Pagpapalakas sa LGUs Baon ni Ping sa ‘Tour of Luzon’”
Comments are closed.