Rektang pagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan ang pondo para sa kanilang proyektong pampamayanan. Ito ang pangunahing nilalaman ng Senate Bill 23 o ang proposed Budget Reform for Village Empowerment (BRAVE) Act of 2019 na isinulong ni Senador Panfilo Lacson.
Ito ang nakikitang solusyon ng mambabatas upang matapos na ang mistulang pamamalimos ng mga pinuno ng LGU mula sa mga malalayong lalawigan at bayan sa mga tanggapan ng mga senador at kongresista, at maging sa mga sangay ng pamahalaan, para lamang maambunan ng pondo ang kanilang mga proyekto.
Related: PingBills | Lacson’s BRAVE Bill Empowers LGUs to Achieve Inclusive Growth
Sa ilalim ng Senate Bill 23, may Local Development Fund na malinaw na tatakda kung magkano ang dapat na mapunta taun-taon mula sa kaban ng bayan patungo sa mga probinsiya, lunsod at munisipyo.
Ang bawa’t lalawigan ay makakatanggap ng mula P500 milyon-P1 bilyon; bawa’t lunsod P100 milyon-P200 milyon; bawa’t bayan P50 milyon-P100 milyon at bawa’t barangay P3 milyon-P5 milyon.
*****