#PingTrivia: Mas Kilalanin si Ping!

MAS KILALANIN SI PING!
Ilang Mga Kaalaman Tungkol kay Ping Lacson

***

Q: Sino para kay Ping ang “The best President we never had?”
A: Para kay Ping, ito ay si dating DND Secretary Renato de Villa na namuno rin ng Philippine Constabulary. Kumandidato si Sec. de Villa noong 1998, matapos niya itatag ang Partido Reporma kung saan chairman ngayon si Ping. Ayon kay Ping, “impeccable” ang integrity ni Sec. de Villa, na nakatrabaho ni Ping sa PC.

***

Q: Ano ang paboritong basahin ni Ping?
A: Mga libro tungkol kay Lee Kuan Yew at kay Sun Tzu ang madalas binabasa ni Ping.

***

Q: Anong mga dialects at languages ni Ping?
A: Bukod sa Tagalog, nakakaintindi si Ping ng kaunting Bisaya dahil na-assign siya sa Cebu. Nag-aral din siya ng Spanish.

***

Q: Ano ang mga paboritong tourist spot sa Pilipinas ni Ping?
A: Kasama rito ang Siargao, Boracay, at Baguio City.

***

Q: Ano ang paboritong pagkaing Pilipino ni Ping?
A: Sinampalukang native na manok!

***

Q: Ano ang mga paboritong sports ni Ping?
A: Baseball, basketball at boxing.

Noong nagsimula ang PBA, paborito ni Ping ang Toyota, tapos Ginebra. Sa isang tweet, kinwento niya na maingat siya sa pag-cheer kasi nakikinood siya sa kapitbahay na kabilang koponan naman ang kinakampihan. “Baka ilipat ang channel or i-turn off ang TV, naloko na.”

***

Q: May routine ba si Ping sa kanyang rest day?
A: Minsan ay nanonood ng Netflix. O kaya’y nagbabasa at nagte-treadmill.

***

Q: Sino ang tinuturing ni Ping na ‘closest buddies’ sa Senado?
A: Sa Senado, closest buddy niya si Senate President Tito Sotto.

*****