Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson sa publiko na ipapasa ng Senado sa takdang panahon ang pambansang gastusin para sa susunod na taon, kahit pa masabay ito sa kanilang paghahanda para sa pangkalahatang halalan sa 2022.
Kasunod ng naunang deklarasyon ng pagsabak sa 2022 presidential elections, inihayag ni Lacson na gagawin niya at maging ng kanyang mga kasamahan sa Senado ang kanilang tungkulin na busisiin ang pambansang badyet at ito ay aprubahan bago mag-break ang sesyon sa Disyembre.
“The passage of the national budget bill will not be delayed if we can help it. While we are aware of the Oct. 1-8 schedule for filing of certificates of candidacy, we can assure our people that the preparations for the 2022 elections will not disrupt our efforts to scrutinize and pass the national budget. Hangga’t nasa loob kami ng Senado at ginagampanan ang aming mga tungkulin bilang senador, we will be legislators first and foremost,” paliwanag ni Lacson.
Sa nakikita ni Lacson, malabong magkaroon ng reenacted budget. “Senate President Vicente C. Sotto III and I are hopeful there will be no reenacted budget, and that the budget bill will be passed before the December break,” dagdag ng mambabatas.
Read in ENGLISH: Lacson Assures Scrutiny, Timely Passage of 2022 Budget Amid Poll Preparations
Continue reading “Ping: Pambansang Badyet Papasa sa Takdang Panahon Kahit Naghahanda na Kami sa 2022 Elections”