Site icon PING LACSON

Ping Lacson’s Speech at Kickoff Rally for Alyansa Senatorial Candidates

YouTube Poster

Naimbag nga aldaw tayo amin Apo! Bago ang lahat, nais ko muna bigyang galang at pasalamatan ang ating PBBM sa mainit na pagtanggap ng kanyang kalalawigan dito sa Ilocos Norte. Palakpakan po natin ang ating mahal na Pangulo.

Tuwing madadalaw ako sa Ilocos Norte o saan mang bahagi ng Ilocos Region, tatlong natatanging katangian ng Ilokano ang agad sumasagi sa aking isipan: Masinop, Masipag, at Matapat.

Ang Ilokano ay likas na masinop para masigurado ang kinabukasan ng kanyang mga anak at mga apo. Ang Ilokano ay masipag upang matiyak na natataguyod nang matiwasay ang kanyang pamilya. At higit sa lahat, ang Ilokano ay matapat.

1 / 7

Halos 40 taon na ang lumipas noong simula ng EDSA Revolution noong 1986. Subali’t ang Ilocos Norte ay nananatiling matapat na tinataguyod at tumatangkilik sa pamilyang Marcos.

Ako man po ay may personal na karanasan sa aking pagsasalimuha sa isang Ilokano. Ang amin pong unit sa dating Philippine Constabulary Metropolitan Command o PC Metrocom, ang aking commander noon ay si Col. Rolando Abadilla na tubong Banna, Ilocos Norte. Noong nagsimulang mag-defect o lumipat sa mga rebelde ang ilang members ng AFP, kami na mga opisyal ay pinulong niya sa aming opisina. At ang sinabi niya, ‘tayo ay sumumpa sa ating tungkulin na mananatili tayong tapat sa ating Constitution. Mananatili tayong tapat sa ating commander-in-chief na noon ay si Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.’

Fast forward, nang napanood namin sa TV na umaalis na ang pamilyang Marcos papuntang Hawaii, noon ko lang po nakita si Col. Abadilla sa kauna-unahang pagkakataon ay humagulgol na parang bata. At ang sinabi niya sa amin, ‘umalis na ang ating pangulo, ating commander-in-chief. Tayo ay maghihiwa-hiwalay na. Hindi ko kayo pipigilan kung saang unit kayo ma-assign subali’t ako mananatili na hindi ako tatanggap ng maski anong assignment sa Armed Forces.’ Ganoon ang kanyang ginawa hanggang lumipas ang 10 taon, siya ay na-ambush at napatay, siguro ng mga nakalaban na rin namin noong panahong kami ay nanungkulan sa PC Metrocom.

Ako man po, pagkatapos ng 6 na buwan nalagay sa floating status. Kami ang nataguriang mga Marcos loyalist. At pagkatapos ng 6 buwan, ako po ay pinatawag ni PC Chief Renato de Villa at binigyan ng assignment. And then hanggang huminog ang aking career hanggang naging Chief PNP po ako.

Sa Malacanang po, may tatlong prominenteng Ilokanong kumakatawan sa tatlong M. si JPE, presidential legal counsel, masinop. Sa Manila Hotel, nagkwentuhan ang mga waiter. Minsan kumain at nagbigay ng tip si Sen. Enrile 10 taon na ito, P100. Ang sabi ng waiter, Senator, ang anak ninyo si Jackie kung mag-tip dito P1,000. Sabi ni Sen Enrile, si Jackie anak mayaman. Si JPE, anak mahirap.

Ang masipag, Executive Secretary Lucas Bersamin. Hindi ako nagtataka dahil matagal ko na siyang kakilala mula pang QC RTC Judge. Di ako nagtataka na naging Chief Justice siya at ngayon ay ES na katulong ni PBBM sa kanyang tungkulin sa Malacanang.

At ang pangatlo at pinaka-prominenteng Ilokano sa Malacanang, ang matapat – matapat sa tungkulin, matapat sa bayan, matapat sa bansang Pilipinas: si PBBM. Ako po, kung sakaling bibigyan ng pagkakataon ay tutulong, magiging katuwang ni PBBM sa pagtataguyod upang maging maganda ang kinabukasan ng ating bansa at kinabukasan ng susunod na lahing Pilipino.

Maraming maraming salamat po at magandang araw sa inyong lahat.

*****

 

Exit mobile version