Ping Lacson Gives Thanks for Safe and Fruitful Senatorial Campaign; to Resume Role as Budget Watchdog

Independent senatorial candidate Panfilo “Ping” M. Lacson gave thanks Friday evening for a safe and fruitful 90-day senatorial campaign, even as he made clear he will resume his role as the watchdog of the national budget upon his return to the Senate.

Lacson, in his speech at the miting de avance of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate in Mandaluyong City, also reiterated that should he win on May 12, he will bring his experience, ability, and qualifications to the Senate.

“Before anything else, I wish to thank God for protecting us from harm, and allowing us to visit various places during our campaign, up to our miting de avance here,” he said in Filipino.

“Second, I wish to thank President Bongbong Marcos and our campaign team headed by Rep. Toby Tiangco for their all-out support for Team Alyansa para sa Bagong Pilipinas. I wish to thank all who helped and supported us in the last 90 days,” he added.

Related: Ping Lacson, Nagpasalamat sa Ligtas at Tagumpay na Kampanya; Muling Magiging Bantay ng Budget Pagbalik sa Senado

Lacson said he will resume his role in the Senate as the watchdog of the national budget, to make sure the nation’s funds go to the intended programs, projects and activities.

During his past terms as senator, Lacson became known for his relentless scrutiny of the budget, saving taxpayers more than P300 billion in the process.

“As a lawmaker, I earned a reputation as a watchdog of the national budget. If you will allow me to serve anew in the Senate, I will remain a watchdog of the budget to make sure public funds go to the intended programs and projects,” he said.

Earlier, Lacson thanked his supporters for their silent but effective contributions to his candidacy.

He said that should he return to the Senate, he will serve with integrity and honesty.

“My simple promise is I will not waste your votes. I will not fail you. What is right must be kept right, what is wrong must be set right!” he said.

*****

Ping Lacson, Nagpasalamat sa Ligtas at Tagumpay na Kampanya; Muling Magiging Bantay ng Budget Pagbalik sa Senado

Nagpasalamat nitong Biyernes ng gabi si independent senatorial candidate Panfilo “Ping” M. Lacson para sa ligtas at matagumpay na 90-araw senatorial campaign – at iginiit niyang muli siyang magiging bantay ng budget sa kanyang pagbalik sa Senado.

Sa talumpati niya sa miting de avance ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate sa Mandaluyong City, idiniin ni Lacson na sakaling manalo siya, dadalhin niya ang kanyang karanasan, kwalipikasyon at kakayahan sa Senado.

“Bago ang lahat ay nais ko munang magpasalamat sa Panginoong Diyos dahil umabot kami sa miting de avance kung saan-saan kami nakarating, na kami ay ligtas sa anumang kapahamakan, sakuna o anumang karahasan,” aniya.

“Pangalawa, nais kong pasalamatan ang ating Pangulong Bongbong Marcos, sampu ng ating campaign team sa pamumuno ni Rep. Toby Tiangco dahil sa kanilang all-out support sa Team Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng tumulong at sumuporta sa akin at sa aming lahat sa 90 araw na pangangampanya,” dagdag niya.

Ani Lacson, muli niyang babantayan ang pambansang budget para tiyakin na ang pera ng taumbayan ay mapupunta sa dapat kinauukulan at dapat marating.

Sa kanyang 18 taon sa Senado, nakilala si Lacson sa pagbusisi sa budget, kung saan nakatipid ang taumbayan ng P300 bilyon dahil sa kanyang ginawa.

“Bilang isang mambabatas, ako po ang tinaguriang bantay sa kaban ng bayan. At kung ako ay inyong pahintulutan, ako ay mananatiling bantay sa kaban sa bayan upang makarating ang national budget, ang ating budget, sa dapat na kinauukulan at dapat marating,” ani Lacson.

Bago ang miting de avance, nagpasalamat din si Lacson sa kanyang tagasuporta sa kanilang tahimik nguni’t epektibong ambag sa kanyang kampanya.

Kung sakaling makabalik siya sa Senado, aniya, magsisilbi siya ng may integridad at katapatan.

“Ang aking simpleng pangako: Hindi ko sasayangin ang inyong boto. Hindi ko kayo bibiguin. Ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan. Mula sa aking puso, maraming salamat po!” aniya.

*****

Full Speech of Ping Lacson at the Alyansa Miting de Avance in Mandaluyong City

Magandang, magandang gabi sa ating lahat.

Bago ang lahat ay nais ko munang magpasalamat sa Panginoong Diyos dahil umabot kami sa miting de avance kung saan-saan kami nakarating, na kami ay ligtas sa anumang kapahamakan, sakuna o anumang karahasan.

Pangalawa, nais kong pasalamatan ang ating PBBM sampu ng ating campaign team sa pamumuno ni Rep. Toby Tiangco dahil sa kanilang all-out support sa Team Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Nais ko rin pasalamatan ang lahat ng tumulong at sumuporta sa akin at sa aming lahat sa 90 araw na pangangampanya.

Ako po ang inyong abang lingkod, dating Sen. Ping Lacson, na sa pahintulot ng ating Panginoon at sa inyong kapahintulutan na rin, ay muling babalik sa Senado.

Sa 90 araw ng pangangampanya mula noong Feb. 11 sa Laoag City sa Ilocos Norte, hanggang ngayon na magtatapos sa lungsod ng Mandaluyong, ang akin pong hawak na baon ay nagsisimula sa 3 letter K: Karanasan, Kwalipikasyon, Kakayahan.

Bilang isang dating sundalo ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at dating alagad ng batas sa ilalim ng Philippine National Police, makailang ulit ko nang tinaya ang aking buhay para ipagtanggol ang kaayusan, ang kapayapaan, at ang kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Bilang isang mambabatas, ako po ang tinaguriang bantay sa kaban ng bayan. At kung ako ay inyong pahintulutan, ako ay mananatiling bantay sa kaban ng bayan upang makarating ang national budget, ang ating budget, sa dapat na kinauukulan at dapat marating.

Sa awa po ng Diyos at sa inyong tulong na rin, kaming lahat na nasa entablado ngayon, sana ay magtagumpay kami nang sa ganoon ay matulungan namin ang administrasyon ni PBBM para ipatupad at isulong ang kanyang mga tamang polisiya at programa para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.

Magandang gabi po sa inyong lahat. Pagpalain tayo ng Diyos. Mabuhay ang Mandaluyong City! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay po tayong lahat!

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading