
Independent senatorial candidate Panfilo “Ping” M. Lacson is hoping the new head of the Catholic Church, Pope Leo XIV, will be instrumental in ending conflicts around the world – even as he prayed for peaceful and honest elections in the Philippines.
At the press conference of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate in Mandaluyong City Friday afternoon, Lacson said many of these conflicts, including the war in Ukraine, could have adverse effects on the Philippines.
“Before praying for the Philippines, we need prayers for world peace, and an end to conflicts around the world,” Lacson said in Filipino.
“Such conflicts may affect the Philippines so we must pray that Pope Leo XIV will be instrumental in resolving them,” he added.
Related: Ping Lacson, Umaasa na Maging Susi ang Bagong Santo Papa sa Kapayapaan sa Mundo; Nananalangin para sa Matagumpay na Halalan
For the Philippines, Lacson said he prays for peaceful and violence-free elections, and that no lives will be lost in the run-up to Monday, May 12.
Lacson also said another prayer is for Filipino voters to become wise and discerning. He stressed the voting on Monday will symbolize the principles that Filipinos stand for in life.
“I hope our voters will be discerning because the casting of our votes on Monday will symbolize our individual and collective voices and principles in life,” he said.
Meanwhile, Lacson said he is very satisfied and very thankful for a successful 90-day senatorial campaign.
Lacson thanked President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. for his “unequivocal” support throughout the 90-day campaign for the Alyansa slate, even to the point of risking his own security.
He also said he is “very satisfied” with the way the Alyansa campaign was run. He thanked and congratulated campaign manager Rep. Toby Tiangco and the campaign staff “for running a very disciplined and organized campaign all through the almost 90 days.”
Lacson likewise thanked the media covering the campaign, for covering them and asking relevant questions.
*****
Ping Lacson, Umaasa na Maging Susi ang Bagong Santo Papa sa Kapayapaan sa Mundo; Nananalangin para sa Matagumpay na Halalan
Umaasa si independent senatorial candidate Panfilo “Ping” M. Lacson na ang bagong Santo Papa, si Pope Leo XIV, ay magiging instrumento para sa katapusan ng mga giyera sa mundo – habang nananalangin naman siya na maging mapayapa ang darating na eleksyon sa Pilipinas.
Sa pulong pangbalitaan ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate sa Mandaluyong City Biyernes ng hapon, iginiit ni Lacson na ang mga giyerang ito ay maaaring makaapekto sa Pilipinas.
“Bago ang panalangin sa Pilipinas ay panalangin muna sa buong mundo na sana matigil na ang mga nangyayaring karahasan, giyera sa Ukraine,” aniya.
“After all, kung ano ang gulo sa mundo apektado ang Pilipinas, kaya dapat manalangin tayo na sana maging instrumento si Pope Leo XIV para maresolba lahat na conflicts at pag-aaway at karahasan na nangyayari sa iba’t ibang parte ng mundo,” dagdag niya.
Para sa Pilipinas, nananalangin si Lacson para sa tahimik na halalan, at wala nang mamamatay sa run-up sa eleksyon sa Mayo 12.
Isa pang panalangin, ani Lacson, ay para maging matalino ang mga botante. Aniya, ang pagboto sa Lunes ay nagsisimbolo ng mga Pilipino sa buhay.
“Isa pang panalangin, maging matalino at mapanuri ang ating mga botante. Dahil ang kanilang pagboto sa Lunes, ito ang simbolo ng ating mga individual at collective na tinig, ang ating prinsipyo, ang ating mga panindingan sa buhay,” aniya.
Samantala, iginiit ni Lacson na “very satisfied” at “very thankful” siya sa matagumpay na 90-araw senatorial campaign ng Alyansa.
Pinasalamatan niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang “unequivocal” na suporta sa 90-araw na kampanya para sa Alyansa, kahit na minsan ay “risking his own security” ang Pangulo.
Dagdag ni Lacson, natuwa siya sa pagiging organisado ng Alyansa. Binati niya si campaign manager Rep. Toby Tiangco at ang campaign staff “for running a very disciplined and organized campaign all through the almost 90 days.”
Nagpasalamat din si Lacson sa media na nag-cover sa kampanya, sa kanilang matiyagang pagsubaybay at sa kanilang mga tanong.
*****

