
More than claiming to be a victim of harassment, teaching people how to corrupt the media is the real threat to democracy, Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson said Friday evening.
In a post on X, Lacson posted a video showing Cayetano giving pointers on how to “spend” for favorable treatment in social and traditional media.
In Filipino: Lacson: Pagtuturo ng Pag-Corrupt sa Media ang Tunay na Panganib sa Demokrasya
“Democracy is in danger when people are taught how to corrupt the media,” Lacson said.
Lacson’s X post was in response to Cayetano’s remarks posted on social media this week, where Cayetano claimed democracy is in danger because one becomes a target for standing for one’s principles.
Accompanying Cayetano’s quote card on Lacson’s X post was a video featuring Cayetano with bloggers Esther Margaux Justiniano “Mocha” Uson and Byron “Banat By” Cristobal.
The video showed Cayetano offering to help Uson and Cristobal, teaching them that interviews in traditional media, like social media, can also be bought.
“Sa ngayon, pati interviews binebenta na. At pag binenta nila yung interview, you can give your own questions. So hindi ka matatakot (Right now, media interviews are for sale where you can give your own questions, so you have nothing to worry about),” the video showed Cayetano as saying.
*****
Lacson: Pagtuturo ng Pag-Corrupt sa Media ang Tunay na Panganib sa Demokrasya
Higit sa pag-aangking biktima ng panggigipit, ang pagtuturo sa mga tao kung paano i-corrupt ang media ang tunay na banta sa demokrasya, ani Senador Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Biyernes ng gabi.
Sa isang post sa X, nagbahagi si Lacson ng isang video na nagpapakita kay Cayetano na nagbibigay ng payo kung paano “gumastos” para sa paborableng pagtrato sa social at traditional media.
“Democracy is in danger when people are taught how to corrupt the media,” ani Lacson.
Ang X post ni Lacson ay tugon sa mga pahayag ni Cayetano sa social media nitong linggo, kung saan iginiit nitong nasa panganib ang demokrasya dahil nagiging target ang isang tao na tumitindig para sa kanyang prinsipyo.
Kasama sa quote card ni Cayetano sa X post ni Lacson ang isang video na nagtatampok kay Cayetano kasama ang mga blogger na sina Esther Margaux Justiniano “Mocha” Uson at Byron “Banat By” Cristobal.
Sa video, makikitang iniaalok ni Cayetano ang tulong kina Uson at Cristobal, at pinayuhan sila na ang interview sa traditional media, tulad ng social media, ay pwedeng bilhin.
“Sa ngayon, pati interviews binebenta na. At pag binenta nila yung interview, you can give your own questions. So hindi ka matatakot,” ayon sa pahayag ni Cayetano sa video.
*****
