Site icon PING LACSON

Ping: Fiscalizer Role in the Senate, Pork Barrel, Cleansing the PNP

YouTube Poster

In an interview on DZRH, Ping Lacson answers questions on:
* Fiscalizer role in the Senate
* Worsening ‘pork’
* Strengthening PNP Internal Affairs Service

QUOTES and NOTES:

FISCALIZER ROLE IN THE SENATE:

“Nagdaan na rin ako sa maraming presidente bilang senador at Chief PNP. Kay PJEE at maski kay Pnoy na kaalyado din kasi guest candidate ako ng LP. Pero hindi nagbago ang aking tayo.”

“Kaya natutuwa ako nabanggit ng Pangulo, ganoon din ang mensahe niya sa SONA at nabanggit din niya sa pagpapakilala sa akin na we have a shared message or sa akin personal credo ko, ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan. Siguro nang napili ako na maisama sa slate ng administration, nare-recognize naman ng Presidente ang aking role as a fiscalizer. Malaking bagay sa akin yan. Dahil bakit ako isasama kung alam naman niyang kung may mali akong makita, pupunahin ko at gagawan ko ng aksyon?”

“Ibig sabihin noon, gusto rin ng Presidente may nagfi-fiscalize. Hindi lang puri ng puri o kampi ng kampi. Sa sariling opinion ko ito, ang hangarin niya maganda rin siguro. Dahil bakit ako pipiliin sasama sa slate, alam naman niya sabi nyo nga, wala akong preno, pag nakakita ako ng mali?”

“Ang naging panuntunan ko ito ang natatandaan kong malaking bahagi ng aking assumption speech nang ako nanombrahan bilang CPNP. Tandang tanda ko sinabi ko ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan. Kaya natutuwa ako nang narinig ko sa SONA ng Presidente pareho pala ang aming mensahe.”

***

CONGRESSIONAL HEARINGS:

“Dapat in aid of legislation kasi pagkatapos ng pagdinig, tulad kay Atio Castillo ako nag-preside noon as chairman ng public order committee. In-amend namin ang anti-hazing law. Ang naging resulta, nagkaroon ng conviction na nangyari kasi bago ma-amend yan medyo mahina ang batas.”

“Kung positive side ang titingnan natin malaki ang tulong ng quad comm, at pagdinig ni Sen. Hontiveros and Sen. Gatchalian sa Senado, malaki ang naidudulot na nakakahinatnan. At maraming ebidensya nakukuha para magamit sa korte.”

“Naalala ko sa PhilHealth, investigation namin ng Committee of the Whole, si Tito Sen nag-preside. Hiningi ng DOJ sa amin ni Sec. Guevarra noon ang transcripts, lahat ng records na nalikom namin sa Senado. At karamihan doon ginamit na ebidensya sa pag-file ng kaso. Hopefully ang nangyari sa Senate and HOR, ganoon din ang mangyayari, i-share sa kinauukulan si SOJ ang kanilang nakalap na ebidensya. Let’s face it, marami talagang natutulong din ang pagdinig na ginagawa ng both houses.”

***

LUMALA ANG PORK:

“Nadeklara ng SC kasi noong araw di naman yan unconstitutional. Walang sinasabing unconstitutional. Pero nang pumutok ang Napoles case, nagdeklara ang SC unconstitutional yan pero dinefine niya, pero napakadaling paikutan. Lumala pa nga eh. Bago naging unconstitutional, P200M bawa’t senador, P70M sa kongresista. Ang masama naman doon, lump sum yan. Saka pa lang mamimili ng proyekto ang senador o kongresista pag andiyan na P200M. Sabi ng SC kailangan itemized. Pero napaikutan nga. Lumaki pa, bilyon na pinaguusapan.”

Ang issue dito, nawawala na ang planning ng sa DPWH, dapat long-term. Sa US, 20 years ang planning, dito magkakaroon ng kalsada in 10 years, dito in 20 years. Sa atin ang nangyayari dahil halos wala nang papel ang DPWH at ang namimili ng proyekto ang mambabatas. So sabog-sabog. Nagkakaroon ng tulay sa wala namang silbi ang tulay. Nagagawa ng kalsada, walang silbi ang kalsada. Samantala kung merong overall talagang plan na national makikita natin ang investment na inuutang nating pera at kinokolektang buwis napupunta sa dapat puntahan para sa susunod na magiging anak at apo.”

***

CLEANSING THE PNP, STRENGTHENING IAS:

Ang nakikita ko naman sa side ng legislation kasi in aid of legislation, panahon na sigurong gawin nating completely independent ang IAS. Sa ngayon parang di masyadong aktibo o parang di nase-serve ang purpose. Sa PNP Law may People’s Law Enforcement Board, dapat yan ma-revive kasi community yan, ito ang community nagbabantay sa mga abuso ng pulis. Sa local level ito. Pero IAS, parang sinusundan lang niya anong gusto ng CPNP. Mas maganda dito ang parang sa US, na independent ang internal affairs. Pag narinig ang internal affairs, medyo kabado sila.”

*****

Exit mobile version