#PingSays: On Napoles’ tell-all claims, anti-drug cases | March 21, 2018

In an interview, Sen. Lacson answers questions on:
– the claim of Janet Napoles to tell all
– actions on recent anti-drug cases

Quotes from the interview… 

On what the PNP can do on Kerwin Espinosa case:
“Hindi naman pwede DOJ kumuha noon. Kasi ang dynamic ng prosecution sa atin, dapat impartial ang prosecutors kung nagko-conduct ng preliminary investigation. Para silang huwes. Di pwedeng biased or partial agad sa nag-file ng kaso, sa complainants. Dapat sa gitna sila. So it is incumbent upon the PNP or who is filing the case for preliminary investigation na maghanap ng ebidensya. So madali lang yan, ang PNP, kunin ang transcript dito, i-supplemental na lang doon. Para makakita ng probable cause ang DOJ. Pagdating sa korte, iba na ang personalidad ng prosecutor. Ang prosecutor siyempre kampi na ng pulis. Pero while they are conducting PI di sila pwede kakampi ng pulis o kakampi ng respondent.”
“The police, the CIDG, should get copies of the transcript ng proceedings dito at i-submit nila as supplemental evidence. Mag-e-MR naman sila.”

On the P6.4B shabu smuggling case:
“In the case of the P6.4B shabu smuggling, kinasuhan mo si Taguba. E sino kausap ni Taguba sa BOC? Di naman yan makakalabas sa BOC nang walang kausap sa BOC. Ang tawag ng abogado roon, ang indispensable participation. Ibig sabihin makakagawa ng crime ang isang tao na dadaan sa BOC na walang participation ang BOC.”
“Ganon din kung si (DOJ Sec. Aguirre), sensitive siya sa public opinion, he should. At saka di lang sa public opinion kundi sa ano ba ang tamang gawin. Halos pareho yan. Maliwanag sa testimony rito ni Taguba lalo na, na may mga sinabi siyang mga pangalan sa BOC. So dapat i-reconsider din. Kung ang pagbabasehan yung mga testimonies na nagawa rito. So maybe ang PDEA should also consider kung mag-MR sila, also consider getting the transcript of records ng Senate sa P6.4B, i-submit din nila sa DOJ.”

On Kerwin Espinosa’s statements:
“Hindi man conclusive kasi may jurisprudence diyan. Ano ba mas mabigat, ang naunang testimony o ang retraction? Paguusapan pa yan. Titingnan pa yan, ano ang demeanor niya pag naupo na siya sa witness stand. Or noong inimbestiga siya ng DOJ at may cross-examination halimbawa, ano ba ang mas kapanipaniwala, ang binago niyang salaysay o ang salaysay na nauna? Di pwede sabihin porke’t binago yan na yan. Kung hindi, babale-balentong yan.”

On Janet Napoles’ testimony:
“Hindi mo pwedeng ibalewala yan. Dahil ang naging pattern nga lumalabas sa kanyang testimony mukhang selective. Dahil may mga, kung natatandaan ninyo nagkaroon ng BR dito, I wasn’t a senator at the time, but I remember in-approach ako ni Napoles through the husband and children. Binigyan ako ng affidavit niya. Doon mas maraming nakalista na hindi kasama sa kaso. At katunayan nilista niya doon ang SARO numbers. Madali i-check yan. Check against the records of DBM kung talagang existing ang SARO numbers na yan.”
“(Ang affidavit niya) binigay sa akin dahil alam niyang di ako kumukuha ng pork barrel. So alam niyang safe sa akin, ibig sabihin hindi babalewalain. Sabi niya confident siya hindi ako kasali roon kasi wala akong pork o transaction sa kanya so ganoon ang nangyari. Binigyan niya ako, sinubmit ko sa Blue Ribbon.”

On the number of lawmakers in the Napoles list:
“Noong nakita ko ang listahan, pwede mag-impeach ng pangulo sa House at pwede mag-convict pagdating sa Senate sa dami. Remember, about 100 congressmen nasa listahan at parang mga 18 senators. So to impeach, 1/3, e 100. To convict, 2/3, e 18.”
“Ang aggregate number is enough to impeach, enough to convict. Maliwanag may quorum.”

On whether incumbent lawmakers are in the list:
“I won’t comment. Bahala na si Napoles.”

On what should be done about the list:
“(I)t’s up to the DOJ now and the Office of Ombudsman probably, especially the Ombudsman.”

*****