Site icon PING LACSON

Ping: On the Palace’s Review of the Proposed 2025 Budget

YouTube Poster

In an interview on NET25, Ping Lacson answers questions on:
* Palace review of the 2025 budget
* Funds for education, PhilHealth, and AKAP

QUOTES and NOTES:

* CONSTITUTIONAL ISSUE in BUDGET:

“Ang unang concern ko, maliwanag sa ating Constitution at budget message ni PBBM nang submit niya ang 2025 NEP, naka-emphasize doon top priority ang education sector kasi yan ang sinasabi ng Constitution so maliwanag yan. Ang pinakamalaking problemang nakita ko after BCC, nabaligtad. Ang imbalance napunta sa DPWH ang top priority at ang education sector naiwanan ng mas kaunti kesa sa DPWH, 1.13T alam natin lahat yan.”

“Ang original budget kasi sa NEP, ang education sector pag education, di lang DepEd yan, kasama ang SUCs, CHED, TESDA, pati DepEd. P977B yan. At ang budget ng DPWH, P900B lang. Yan ang nabaligtad kaya yan ang pinakamalaking problema kasi Constitution ang nabangga.”

Ang ibang issue sa aking opinion, pwedeng pikitan pa ng mata. Pero kung Constitution ang kalaban, teka muna, maging open sa challenge sa SC pagdating ng araw. May paliwanag ang congressmen, at least one of them, at may table na pinakita kung saan mas malaki pa rin daw budget ng educ sector kaya lang dinagdagan ng dinagdagan pati ang PMA, ang PNPA, isinama ng isinama doon. Ang maliwanag sa budget message ni PBBM 4 lang binanggit niya… ang DepEd, SUCs, CHED and TESDA. Yan lang naman nakapaloob doon. So yan ang pinaka-worry ko sa lahat ng issue sa budget. Of course maraming issues. Yan ang primary concern. Pag nilagdaan ng Pangulo at naging batas na, may controversy kasi nabaligtad na, di na naayos sa Saligang Batas.”

Mabuti may pahayag si ES Bersamin di muna itutuloy ang pagpirma ng budget sa Dec. 20. Mabuti na rin ganyan ang nangyari. Hihimayin daw muna nila at pagaaralan.”

Mabuti na rin may mga, sabihin ko nang, blessing in disguise, na may controversy na malaki na ganito para mamulat ang kababayan natin kundi mismo ang Kongreso na gawin naman nating transparent for a change at saka para sa ikabubuti rin. After all pera natin lahat yan, taxpayer tayong lahat, kailangan may pakialam tayo kasi national budget. Ang national budget is the lifeblood of our economy if not the whole country itself. Kung walang budget parang pamilya mamamatay ka sa gutom at walang damit na isusuot, wala kang shelter sa iyong ulunan. Ganoon din ang national budget, malaki ang scale kailangan pangalagaan natin kasi kung hindi, saan pa tayo pupulitin 15, 20, 30 years from now? Hindi tayo yan. Anak at apo at apo sa tuhod na di natin makikita sa panahon na yan, baka anong kakahinatnan nila sa mata ng buong mundo o sarili nilang katayuan sa buhay. Baka wala na tayong PH na paguusapan.”

* OPTIONS to CORRECT CONSTITUTIONAL ISSUE:

“Kung ibabalik (ang budget bill) sa BCC mag-appeal at mag-request sa Kongreso, tutal hindi pa submitted ang enrolled bill so nasa kamay pa ng Kongreso ang proposed budget. So pwede pa i-reconvene at i-correct lang ang imbalance sa education and infrastructure. Kung ilalamang ang budget ng education at yan top priority pa rin, walang problema sa Constitution.”

“Ang isang option ang line-item veto. To simplify, ang line-item veto di natin gusto pangunahan pero kung tatapyasin niya lamang ang maliwanag na insertions in consultation with DPWH kasi ginagawa namin pagka kami nagpe-plenary session sa budget ng DPWH at hinihimay ko ang insertions sa HOR version tinatanong ko ang SPWH: Ito ba alam ninyo, kayo ba nagplano nito? Kung sagot nila halimbawa isang item multi-purpose building, alam nyo ba ito? Ang sagot malamang sa hindi, hindi alam. Kung di nyo alam at hindi kayo involved sa pagpaplano, papano nyo implement ito? Ma-implement nyo ba ito? Ang malamang na sagot sa hindi, di kayang implement. So ang tanong ko susunod, so ito ang dahilan bakit napakalaki ng inyong unused or unutilized appropriations. Minsan pumapalo lang sila sa 40-50% compliance sa national budget. So ang sagot nila, ganoon nangyayari, di namin maimplement kasi di namin alam kasi di kami involved sa pagpaplano ng proyekto na yan.”

“So ganon din siguro ang pwede gawin ng Malacanang, in close consultation with DPWH Secretary. Tanungin nila isa-isa ang mga naisingit sa bicam. Ang nasinigit sa GAB HOR version at Senate, posibleng inappeal ng govt agencies mismo lumapit sa congressmen o subcommittee chairman nakaligtaan namin di nakasama sa NEP baka pwede nyo malagyan ng pondo ito. So alam nila yan.”

* PHILHEALTH:

“Sa PhilHealth, tama si Sen Pia. Ang tinitingnan siguro nila ang parang immediate na pangangailangan na gagastusin ng PhilHealth. How about ang actuarial life? Marami silang pananagutan sa mahabang panahon. At parang SSS at GSIS din yan, kung saan pinangalagaan nila ang pangmatagalan kasi pension naman ang tinitingnan doon.”

“Nakaprograma yan 10-15 years from now, di titingnan mo lang ang whole budget year for 2025 or 2026. kasi yun nga paano kung susunod na panahon lumaki pangangailangan ng PhilHealth dahil maraming nagkasakit at maraming nangangailangan at tinaasan ang benefits at binaba ang premium, e baka maapektuhan in the long term ang mga responsibility ng PhilHealth sa mga customers nila, ang mga nagko-contribute at ang mga non-contributing members. So tama si Sen Pia doon. May batas na nava-violate pag na-zero subsidy mo ang PhilHealth.”

* AKAP:

Ang bagong introduce na AKAP, MAIC, TUPAD, kung anu-ano pa, nadagdag at nadagdag in the course of time dahil nagamit ito sa pangangampanya. Sa halip na social services na nagagampanan, parang nagiging pang-alaga sa mga leaders at kasamahan ng leaders ng ibang mambabatas.”

“Wala naman sa NEP at wala rin yan sa 2024, wala rin yan sa HOR version, wala rin yan sa Senate version. Biglang sumulpot ang AKAP na yan sa BCC. So nasaan ang disagreeing provisions kasi kung wala naman sa HOR at Senate version, ang nire-reconcile sa BCC ang disagreeing provision, bakit sumulpot bigla sa BCC. Nagkaroon ng bagong item, sa calendar year 2024, controversial na ang AKAP kasi nga, biglang sumulpot sa BCC. E ngayon parang gustong ma-institutionalize na dahil napuna ko nga ang pahayag ng chariman ng finance committee ng Senate si SGP at nagulat ako. Bakit nagkaganito ang tayo ng Senado na sige pinapayagan na namin dahil ang mga senador magkakaroon na rin ng access na P5B. Doon pa lang, alam ninyo parang inamin nila nag-implement sila which is very wrong.”

* DPWH:

My humble suggestion, P288B ang dinagdag sa DPWH. Ngayon himayin ng Malacanang yan alin ba dito ang walang kamalay malay ang DPWH na nasingit. Yan ang line item veto kung saan babawasan, kakaltasin uli yan, tatanggalin ang line item, ive-veto ng presidente ang, huwag naman ang buong P288B na dinagdag. Or kung capricious lahat yan at di alam ng DPWH di nila alam paano implement, tapyasin na lang, makatipid pa tayo sa ating uutangin.”

*****

Exit mobile version