Interview on HARAPAN 2025

On HARAPAN 2025, former Sen. Ping Lacson answers questions on:
* Issues in 2025 budget
* Rising food prices and high costs of living

QUOTES and NOTES:

* 2025 BUDGET:

“Ang description ni PBBM (sa 2025 budget) – sabi ko mabait talaga si Presidente – ‘suboptimal.’ Sabi ko, hindi suboptimal ang budget ng 2025; subpar.”

“Maraming problema lalo ngayon may lumabas na panibagong issue na di natin alam kung anong totoo. Maybe he (Rep. Ungab) was looking at another document. But ito i-fast track natin ang proseso, iwanan natin ang GABs ng HOR and Senate kasi ire-reconcile natin sa BCC. Fast forward natin sa BCC. Kung ang nakita ni Cong Sid (Ungab) ang unsigned BCC report na yun pa lang ang pipirmahan ng senador, balewala yan kasi di naman yan ang BCC report. Kung ang nakita ni Cong Sid ang signed by the BCC members, may problema tayo doon. Kasi kung may blank doon, pagdating sa plenary di pa rin final document kasi subject to ratification by both Houses. Pero sa ratification, walang amendment na mangyayari doon. It’s either they vote to ratify or not to ratify.”

“Unang una, may question ng constitutionality. Why? Education sector. Ang maliwanag sa Constitution na sinasabing ang education sector ito ang binibigyan ng highest budget priority. Lumalabas ngayon, although nag-veto kasi nadagdagan ang public works ng P288B. Naiwan ngayon sa priority ang educ sector. Ang claim ng DBM, narinig ko dati kong colleague Sen Gatchalian, ni-react ko sa X, sinama ang PMA, sinama ang PNPA, sinama ang National Defense College. Sabihin na natin educ institutions. But ito ang catch. Nakalimutan na ba nila na ang president’s budget message, nang sinubmit ang NEP sa HOR, naka-specify doon, pati DBM may press briefer sila, sinabi nila ang educ sector bibigyan ng highest budgetary priority in compliance with the Constitution. Pero composed of DepEd, CHED, SUCs, and TESDA. Apat lang. E bakit isisingit ang PMA?”

Sa tingin ko may… parang nagmi-mislead or nagko-confuse kasi bakit isasama mo ang learning institutions na hindi naman kasama sa President’s message?”

Mabuti sa 2025, kaya sabi ko mooted ang petition sa SC regarding PhilHealth funds kasi in-amend. As I was suggesting, amend na lang nila yan, Kasi ang GAA is a general law, alam ng abogado ito, di pwedeng i-amend ng general law ang special law. Ang PhilHealth act as amended, pati ang UHC Act, mga special laws yan.”

* On claims that 2025 budget is one of the most corrupt

Yes I will agree. Mangled beyond recognition. Si PBBM nagsabi di na namin makilala ang NEP na pinasa ng Kongreso. Why? Babalikan ko ang experience ko. Every time mag-interpellate ako, whether sa committee hearing or plenary, ang lagi kong tinatanong pag alam kong insertion ng Congress mapa-senador o kongresista, pag alam kong wala sa NEP ang tinatanong ko muna sa agency, alam nyo ba ito? Alam ko ang isasagot, siyempre hindi. Kung hindi nyo alam ito, hindi kayo kasama sa pagpaplano nito. Siyempre ang sagot hindi. Paano nyo i-implement ito?”

“For 18 years, calculate ng mga staff ko ang na-save namin from the national budget na na-na-misuse, P300B. Ganoon karami. Yan nga tinatanong ko. So tatanungin ko ang agency, DPWH, di nyo alam ito di kayo kasama sa plano, paano nyo implement ito? Di makasagot. So tatanggalin ko ito? Nag-agree sila, Yes Your Honor, pwede nyo tanggalin kasi di namin ma-implement. That’s the reason why year in year out ang laki ng unused appro na hindi nagagamit talaga. Sayang ang budget.”

* EDUCATION:

“Sundan natin ang Constitution na highest budgetary priority kasi kung di mo ma-budget-tan ang education, kaya may reason ang framers ng Constitution, bakit education? Ito ang foundation ng ating buong bansa, ng ating mga kababayan.”

* HIGH COST OF LIVING:

“Mahirap sagutin lalo sa ngayon, kasi tumaas ang presyo ng langis. Tapos ang kuryente di mababa sa standard ng Asean countries pati sa buong mundo. Ang 1 solution long term, ang stopgap, ito siguro ang declaration ng national food security emergency. Merong pwedeng magawa. Ang medium term, pwedeng national budget bantayin na talaga nang sa ganoon hindi masayang ang pondo. Long and short pag sinuma-tutal natin, corruption ang kalaban.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading