Site icon PING LACSON

Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Iloilo

YouTube Poster

Maayong hapon, Iloilo!

Ang eleksyon ay isang job application. Ang huling bilang, 63 kaming sasalang sa job interviews, mga job applicants, para suriin ng mga tumatayong HR or human resources department. Kayo yan, mga mamamayang Pilipino.

Ako ay nakasalang ngayon sa isang job interview. Ganito ko po ipapakilala sa aking sarili: Ipagpapatuloy kong maging bantay sa kaban ng bayan. Hindi naging at hindi magiging bantay-salakay sa pambansang budget. Ang aking track record ang siyang magpapatunay na ako ay laging lumalaban lalo na sa pagbabantay at paggamit nang maayos sa ating pambansang budget.

Ang dahilan ko ay simple lamang. Sobra sobra po ang hindi nagagamit sa ating national budget. Taon taon, mula noong 2016 hanggang 2023, alam nyo ba ang unused appropriations o hindi nagagamit sa ating pambansang budget? Average P350B. Kung ito ay maida-download o maidadaloy sa mga lokal na pamahalaan tulad ng Iloilo, marami po ang magagawa dahil sa pamamagitan ng inyong local development plans sa inyong local development councils, ay malaki ang maitutulong sa pag-asenso ng Iloilo.

Halimbawa, ang Panay Island ay No. 5, one of the first five top performing regions. Pero kung ito bibigyan pa ng kaukulang pondo galing sa national, maari kayong pumasok sa top 4, 3, 2 or even top 1. Kaya noong nilagdaan ni PBBM ang EO 82 isa ako sa unang natuwa dahil ang EO 82, pinalalawak at pinalalakas ang papel ng regional devt councils at iba pang local devt councils. So bababa na po ang pondong hindi nagagamit sa national na pamahalaan, bababa sa mga local na pamahalaan sa pamamagitan ng inyong LDC sa pamamaigtan ng inyong binalangkas na local development plans. Yan ang tutulong para maging asenso din ang buong Pilipinas. Pag ang mga kanayunan umasenso, tuluyan ding aasenso ang ating bansa.

Noong nag-anunsyo ang ating Pangulo na itutulak niya ang full digitalization ng mga govt transactions, muli ako ay natuwa sapagka’t yan po magdudulot, para maging efficient ang pamamalakad ng ating pamahalaan at mababawasan ang graft and corruption.

Alam nyo ba sa bansang Korea, sila ay fully digitalized na simula 1987? Ang kanilang natitipid sa kanilang pera, daan daang bilyong dolyar taon-taon. Kaya pag naitulak ng ating pangulo at aming natulungan sa Team Alyansa, ay siguradong gaganda ang ating kinabukasan at magkakaroon tayo ng bagong ekonomiya, bagong trabaho, at bagong panlipunang serbisyo.

Mabuhay ang Team Alyansa, mabuhay ang Iloilo, mabuhay tayong lahat!

*****

Exit mobile version