
Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Wednesday assured Sen. Alan Peter Cayetano that he is not alone in facing scrutiny over anomalous flood control projects.
Lacson said Cayetano, who has insisted that flood control projects in other parts of the country be investigated, is only one of several who have been detained, posted bail, or are being probed over the issue.
In Filipino: Lacson kay Cayetano: Huwag Mag-alala, Hindi Ka Nag-iisa sa Isyu ng Flood Control
“Kaya nga po may mga nakakulong, out on bail, at marami pang iniimbestigahan ang Ombudsman dahil sa maanomalyang flood control projects sa iba’t-ibang panig ng bansa, kasama ang Taguig at Davao. Huwag nang maghanap ng idadamay, madami kayo,” Lacson said on X.
(That’s why there are personalities who have been detained, are out on bail, and being investigated by the Ombudsman – due to their links to anomalous flood control projects in various parts of the country, including Taguig and Davao. Don’t look for company, there are many of you.)
Cayetano, in his recent livestream posts, had insisted that Taguig should not be the only place investigated over anomalous infrastructure projects.
The Office of the Ombudsman has investigated several anomalous flood control projects in various parts of the country, including Taguig City, Cayetano’s bailiwick.
Since last year, Lacson has been active in exposing ghost and defective flood control projects, not just in Taguig. In two privilege speeches, he detailed the corruption behind such projects in Bulacan and Mindoro Oriental.
He also chaired Blue Ribbon Committee hearings that yielded several key pieces of evidence on the matter.
Earlier this year, he and his staff submitted to the Office of the Ombudsman at least 45 case studies backed by official documents detailing “systemic anomalies” in flood control infrastructure projects in Taguig.
Aside from this, Lacson and his team sent to the Ombudsman several pieces of evidence they have gathered so far on the illegal reclamation and infrastructure projects on the Taguig City side of Laguna Lake.
*****
Lacson kay Cayetano: Huwag Mag-alala, Hindi Ka Nag-iisa sa Isyu ng Flood Control
Tiniyak ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules kay Sen. Alan Peter Cayetano na hindi ito nag-iisa sa pagharap sa pagsisiyasat kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.
Ani Lacson, si Cayetano – na nais paimbestigahan din ang mga flood control project sa ibang bahagi ng bansa – ay isa lamang sa ilang personalidad na nakulong, nakapagpiyansa, o iniimbestigahan kaugnay ng isyu.
“Kaya nga po may mga nakakulong, out on bail, at marami pang iniimbestigahan ang Ombudsman dahil sa maanomalyang flood control projects sa iba’t-ibang panig ng bansa, kasama ang Taguig at Davao. Huwag nang maghanap ng idadamay, madami kayo,” ani Lacson sa X.
Sa kanyang mga kamakailang livestream post, iginiit ni Cayetano na hindi lamang Taguig ang dapat imbestigahan kaugnay ng mga maanomalyang infrastructure project.
Naimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang ilang maanomalyang flood control project sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Taguig City, na balwarte ni Cayetano.
Mula noong nakaraang taon, aktibo si Lacson sa pagbusisi sa mga anomalya sa likod ng mga palpak at guniguning flood control project, hindi lang sa Taguig. Sa dalawang privilege speech, idinetalye niya ang korapsyon sa likod ng mga naturang proyekto sa Bulacan at Oriental Mindoro.
Pinamunuan din niya ang mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee na nagbunga ng ilang mahahalagang ebidensya kaugnay ng usapin.
Nakapagsumite din siya at ang kanyang staff sa Office of the Ombudsman ng hindi bababa sa 45 case study na suportado ng mga opisyal na dokumento at nagdedetalye ng “systemic anomalies” sa mga flood control infrastructure project sa Taguig.
Bukod dito, nagsumite rin sina Lacson at ang kanyang team sa Ombudsman ng ilang ebidensyang nakalap nila sa ngayon kaugnay ng iligal na reclamation at mga infrastructure project sa bahagi ng Laguna Lake na sakop ng Taguig City.
*****
