
“Next to the long-standing relationship with the United States, the Philippines’ most important foreign relationship will be that of China,” ayon kay Ashley Acedillo, tagapagsalita ng kandidato sa pagka-Presidente na si Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Katulad ng mga nakaraang pahayag ni Lacson sa isyu, naniniwala si Acedillo na kailangang maging praktikal at maliksi ang ating bansa sa pakikitungo sa China lalo na sa usaping seguridad at teritoryo.
Ang pagiging maagap ay pagiging aktibo sa paghahanap ng oportunidad na bantayan ang mga kaganapan sa mga lugar na may hidwaan tayo sa China at pagsasaayos sa sitwasyon sa ating maritime domains para malagay sa mas maayos na posisyon ang ating bansa sa oras na magkaroon ng mga diskusyon sa China. Kasama rito ang pagiging bukas sa anumang polisiya at hindi lamang puro sound bites na maaaring mag limita sa mga ilalatag na opsyon o mas paguluhin pa ang kasalukuyang sitwasyon.
Related: ‘Agility’ and ‘Pragmatism’ Key to Philippine Foreign Policy toward China, Not Sound Bites – Lacson Spokesman
Continue reading “Pagiging Maagap at Praktikal ang Susi sa Foreign Policy ng Bansa Laban sa China, Hindi Sound Bites – Lacson Spox”

