Kasabay ng nalalapit na Araw ng mga Puso, mistulang binigyan ng lakas ng loob ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang mga tila nawawalan na ng pag-asa na makatagpo pa ng mga makakasama sa habambuhay.
Ang mensahe ay ibinahagi ni Lacson sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo nang matanong tungkol sa mga usapin na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon ng bawat indibidwal.
“Huwag mawalan ng pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa. Huwag patayin ang puso kasi dapat laging buhay ‘yan, kasi laging may second chance,“ banggit ni Lacson nang matanong kung ano ang mensahe niya sa mga sawi sa padating na “Araw ng mga Puso.”
Related: Lacson: There’s Always a Second Chance in Love, Life
Continue reading “Ping: Sa Pag-ibig, Pakikibaka sa Buhay, Laging May Pangalawang Pagkakataon”