Personal na sinaluduhan at hinangaan ni Senador Panfilo Lacson ang mga auditor ng gobyerno sa pagiging listo at maagap ng mga ito sa pagsuri sa kahina-hinalang transaksiyon sa ilang ahensiya na posibleng mauwi sa korapsiyon.
Ayon kay Lacson, kung walang Commission on Audit (COA) na nag-uulat, malayang-malaya ang mga tiwaling opisyal sa pag-abuso at paglustay sa limitado nang pondo mula sa kaban ng bayan.
“Imagine a country without state auditors… kanya kanyang kupit, kanya kanyang kurakot,” banggit ni Lacson sa pamamagitan ng Twitter.
Read in ENGLISH: Lacson Salutes State Auditors for Flagging Potential Corruption
Continue reading “State Auditors, Sinaluduhan ni Ping vs Korapsyon”