Paano masisiguro ng gobyerno na ang P1 bilyong ayuda para sa public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis ay makakarating sa kinauukulan kung hindi updated ang listahan?
Ito ang tanong ni Senador Ping Lacson nitong Martes, kasabay ng kanyang pagsusulong ng pamamaraan na tiyak makakaabot ang tulong sa mga drayber at iba pang manggagawa na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
“Ang latest dito, maglalabas sila ng P1 bilyon pero sabi ng pangulo ninyo, saan mapupunta na naman? Galing sa national, ibababa sa local, dadaan sa ahensya, iva-validate ng kung anu-anong ahensya, hindi nakakarating sa dapat puntahan,” giit ni Lacson sa isang pagpupulong sa Lipa City, Batangas kasama ang mga lider at miyembro ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) and Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Related: Lacson Pushes Data-Driven Help for Drivers Affected by Fuel Price Hikes
Continue reading “Ping, Nanawagan na Siguruhing Makakarating sa PUV Drivers ang Ayuda ng Gobyerno”