Para matigil na ang ghost projects at iba pang uri ng korapsyon sa mga programang pang-imprastraktura ng gobyerno, plano ni Senador Ping Lacson na magpatupad ng isang geo-tagging system sa unang 100 araw ng kanyang termino sakaling manalo siya sa pagka-Pangulo sa 2022.
Ayon kay Lacson, ang pagkakaroon ng geo-tagging system ay magpapakita na seryoso siya sa kanyang zero-tolerance policy laban sa mga kahina-hinalang contractors at ang kanilang mga benefactors.
“Integrity in our infrastructure spending must be built on transparency and accountability. I will institute a geo-tagging system to provide an open data visualization platform containing all public infrastructure projects. Lahat ng proyekto — kahit ghost projects pa — makikita ng publiko,” paliwanag ni Lacson na tumatayong presidential standard bearer ng Partido Reporma sa kanyang pagdalo sa Philippine Chamber of Commerce and Industry’s 47th Philippine Business Conference and Expo.
Related: Lacson Pushes Transparency, Geo-Tagging to Counter Ghost Infra Projects
Continue reading “Ping, Isinusulong ang Geo-Tagging para Matigil na ang Ghost Infra Projects”