Mas istrikto na panuntunan sa pagpapahintulot sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan o maaring pagkansela sa Permits to Carry Firearms Outside Residences (PTCFORs) ang mas epektibong solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen, kumpara sa pag-armas ng sibilyan.
Ito ang iginiit ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson matapos na lumutang ang ideyang pag-aarmas sa mga sibilyan laban sa mga kriminal.
Ayon kay Lacson na namuno sa PNP mula 1999 hanggang 2001, magbubunsod lamang ng karagdagang krimen kung pag-armasin ang ilang sibilyan partikular na ang tinaguriang anti-crime “volunteers.”
“Arming civilians to fight criminality could backfire, especially if they don’t have the proper training and mindset. In the United States, there have been so many fatal shootings due to loose firearm laws,” paliwanag ni Lacson sa isang media forum sa Maynila.
Read in ENGLISH: Lacson: Stricter Gun Control, Not Arming Civilians, to Thwart Crime
Continue reading “Ping: PNP na Istrikto sa Paglisensya ng Baril, ‘di Pag-Aarmas ng Sibilyan, ang Pipigil sa Krimen”