Kung may “pressure” mang naramdaman ang dating admin officer ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. na si Krizle Mago nang humarap siya sa Senado noong Setyembre, ito ay para sabihin ang katotohanan at hindi magsinungaling.
Pinabulaanan ni Senador Ping Lacson nitong Biyernes ang pahayag ni Mago na siya ay na-“intimidate” o tila napilit na sabihing damay ang ibang opisyal ng Pharmally sa pag-uutos na pekein ang expired labels sa mga face shield.
“Na-pressure siyang magsabi ng totoo. Hindi siya na-pressure mag-lie if at all totoong na-pressure siya. She was very calm and sabi ninyo kanina, unaided lahat,” ani Lacson matapos kwestyunin si Mago sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa iregularidad sa procurement ng medical supplies para sa pag responde sa pandemya.
Related: Lacson Disproves ‘Intimidation’ Claim of Pharmally’s Mago
Continue reading “Ping, Pinabulaanan ang Pahayag ni Mago Hinggil sa ‘Intimidation’”