Makikinabang ang ekonomiya ng bansa sa pagluluwag ng curfew at pagtatanggal sa ilang limitasyon sa sektor ng transportasyon na lubhang naapektuhan ng pandemya, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Huwebes.
Bagama’t suportado ni Lacson ang pagbabalik ng ilang negosyo at pabubukas ng ekonomiya, pinaalalahanan pa rin nito ang mga otoridad na siguruhing may pinapatupad pa rin na containment strategies para maiwasan ang pagkalat ng virus.
“Sinusuportahan namin ang move na magbukas ng ekonomiya, para sa ganoon medyo sumigla ang ating business activities. Huwag lang kalimutan ang containment strategy na nakasanayan natin,” ani Lacson sa kanilang kauna-unahang LACSON-SOTTO media forum.
Related: Lacson: Easing of Curfew, Transportation Restrictions to Benefit Ailing Economy
Continue reading “Ping: Pagluluwag sa Curfew at Sektor ng Transportasyon, Makatutulong sa Pagbukas ng Ekonomiya”