Kinuwestyon ni independent presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes ang pagtigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa distribusyon ng fuel subsidies para sa public utility vehicle operators at mga drayber sa panahon ng election period mula March 25 hanggang May 8.
Ayon kay Lacson, hanggang walang legal na basehan sa naturang suspensyon, hindi tama at patas ang desisyong ito para sa PUV operators at mga drayber na apektado pa rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
“Unless there is jurisprudence along that line, I don’t think the national government should be covered by the election ban on providing social services to our people especially at a time when the prices of fuel continue to go up,” ani Lacson.
Related: Lacson Questions Suspension of Fuel Subsidy Distribution
Continue reading “Ping, Kinuwestyon ang Pagtigil sa Distribusyon ng Fuel Subsidy”