Malakas na ang tsansa na simula sa darating na taon, direkta nang matatanggap ng mga nangangailangang local government unit (LGU) ang pondong kanilang hinihingi para sa kanilang mga proyekto.
Ito ay bunga ng polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na kumuha muna ng sertipikasyon sa Regional Development Councils (RDCs) kaugnay sa mga proyektong ipapatupad sa taong 2021.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson na nangunguna sa krusada para sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, ang hakbang na ito ng DBM ay magwawakas na sa “disconnect” na matagal nang nagpapahirap sa mga lokal na pamahalaan.
“I am thankful to DBM Secretary Wendel Avisado for requiring agencies to obtain certifications from RDCs to make sure projects have local support. This is a step in the right direction that we must follow,” ayon kay Lacson.
Related: Lacson Hopeful 2020 Will Kick Off Budget Reforms to Benefit Poor, Far-Flung Areas: Wala nang Disconnect!
Continue reading “Ping: Proseso Para sa Patas na Budget, Simula na sa 2020”