Nais ng tambalang Lacson-Sotto na ipatupad sa buong bansa ang isinasagawang “People’s Day” sa Tuguegarao City, Cagayan kung saan ang mga ahensya ng gobyerno mismo ang lumalapit sa mamamayan para maghatid ng kanilang serbisyo.
Ayon kay Senador Ping Lacson, ang ganitong uri ng programa na pinangunahan ni Mayor Jefferson Soriano ay isa sa mga nais nilang ipatupad sa bawat sulok ng bansa.
“Napakaganda, napaka-innovative ng kanyang konsepto… Lahat ng pangangailangan ng mga tao nariyan na lahat. Dinala ni Mayor Soriano ang gobyerno sa mga tao sa halip na ang tao pupunta sa gobyerno,” ani Lacson sa kanyang talumpati sa isang consultative meeting kasama ang sectoral representatives sa Tuguegarao City nitong Martes. Kasalukuyang tumatakbo si Lacson sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma.
Related: Lacson-Sotto Tandem Wants Tuguegarao’s Innovative ‘People’s Day’ Replicated Nationwide
Continue reading “‘People’s Day’ program sa Tuguegarao, Nais Ipatupad sa Buong Bansa ng Lacson-Sotto Tandem”