Sana naging instrumento ang kontrobersya sa Sinovac para matuto ng seryosong aral sa katapatan at walang ikinukubling transaksyon ang mga opisyales na nangangasiwa sa bakuna laban sa COVID-19.
Binigyang diin ito ni Senador Panfilo Lacson, kasabay ng pagsasabing hindi sana natuon sa Sinovac ang atensiyon ng Senado kung hindi nagpatumpik-tumpik ang mga opisyal.
“If they had been more forthright and honest in their responses in our first hearing, hindi mafo-focus sa Sinovac,” banggit ni Lacson sa panayam sa ANC.
Ayon pa sa mambabatas, palagiang handa ang dalawang kapulungan ng Kongreso na makipagtulungan sa ehekutibo kaya nararapat lamang na malaman din nila kung paano ginugugol ang mga pondong kanilang inaaprubahan.
“When the Senate hearings raised more questions than answers about Sinovac, our officials were both tongue-tied and stuttering, leaving us with a string of flip-flopping pronouncements,” bahagi ng privilege speech ni Lacson nitong Lunes.
Related: Lacson Hopes Vaccine Officials Learned Hard Lesson on Transparency
Continue reading “Ping: Isyu sa Sinovac, Sana Naturuan ang Vaccine Officials na Maging Matapat”