Nanawagan si independent presidential aspirant Sen. Ping Lacson sa Philhealth na pansamantalang ipagpaliban ang napipintong pagtaas ng kanilang premium sa Hunyo para makahinga sa dagdag gastusin ang mga miyembro na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Bagama’t pinahihintulutan ang PhilHealth na itaas ang kanilang premium sa ilalim ng Universal Health Care Act, hindi aniya napapanahon para gawin ito.
“It is within the provisions of the Universal Health Care Act to increase, although it may not be advisable at this point in time because we are still reeling from the effects of the pandemic. Baka hindi timely,” ani Lacson sa isinagawang presscon sa Cagayan de Oro City nitong Huwebes ng hapon.
Related: Lacson to PhilHealth: Defer Planned Premium Hike
Continue reading “Ping sa PhilHealth: Ipagpaliban Muna Ang Pagtaas ng Premium”