Tinatayang aabot sa P8.523 bilyong “unliquidated” na pondo ng Philippine Army ang nasa Philippine International Trading Corp. (PITC), pagsisiwalat ni Senador Ping Lacson nitong Martes.
Base sa 2020 Commission on Audit report, nakatanggap ang PITC ng P15.927 bilyon galing sa Philippine Army mula 2007 hanggang 2020, at may kabuuang unliquidated balances na nagkakahalaga ng P8.523 bilyon.
“Every year, nag-scrounge tayo sa pondo para sa modernization, pati revised modernization program ng AFP, ang sabi natin cause for delay ang funding gaps kasi di napopondohan. Yet we find out from the COA report may unliquidated balances of P8.5 billion just for the Philippine Army,” ani Lacson sa kanyang interpelasyon sa badyet ng Department of National Defense para sa taong 2022.
Related: Lacson: PITC Has P8.523-B in Unliquidated Army Funds
Continue reading “Ping: P8.523-B ‘Unliquidated’ na Pondo ng Army, Nasa PITC”