
May mga pangyayari na puwedeng pagbatayan para ipagpaliban muna ang pagpapawalambisa sa 1989 UP-DND Accord.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang listahan ng mga estudyante ng University of the Philippines na diumano’y naging miyembro ng New People’s Army (NPA) at napatay sa pakikipagsagupaan sa militar ay isa sa mga pangyayaring dapat na tingnan.
“I think it is prudent now for Secretary Delfin Lorenzana to at least suspend the termination of the UP-DND accord and hold a dialogue as he already mentioned he would do,” paliwanag ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, sa panayam ng CNN Philippines.
Ayon sa mambabatas, lumalabas na base sa maling impormasyon ang naging basehan ng DND para i-terminate ang kasunduan, dahil ang mga nasa listahan nila na diumano’y nahuli o napatay ay buhay at malaya pa pala.
“They based their decision to terminate the UP-DND accord, signed way back, on what appears now to be false information. They included personalities that they said were captured or killed in action by the military, but turned out to be alive and not captured at all,” banggit ni Lacson.
Related: Lacson: Prudent to Suspend UP-DND Accord Termination
Continue reading “Ping: Pagpapawalambisa sa UP-DND Accord, Puwede Ipagpaliban” →
Like this:
Like Loading...