Karagdagang buwanang pensiyon at dagdag benepisyo sa mga retiradong career officials ng Department of Foreign Affairs (DFA), pati sa mga naaksidente o nadisgrasya habang sinusulong ang kapakanan ng mga Pinoy at ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Ito ang pangunahing nilalaman ng Senate Bill 2347 na inihain ni Senador Panfilo Lacson bilang pag-ayuda sa kapos na buwanang pensiyon na tinatanggap ng mga nabanggit na retiradong opisyales ng kagawaran, sa kabila ng halos pagbubuwis-buhay ng mga ito sa pangangalaga ng kapakanan ng mga Pinoy sa ibayong dagat, lalo na sa mga delikadong bansa.
“Personnel of the DFA are at the frontlines of Philippine foreign relations, sometimes risking their lives under dangerous conditions in their countries of assignment. While in active service, diplomats have demonstrated their resilience as the Philippines’ first line of representation in dealing with a plethora of concerns. Their initiative, competence, professionalism, and creativity have resulted in enduring bilateral and multilateral partnerships, strategic agreements and collaborative engagements that continue to be harnessed for our people’s benefits,” paliwanag ni Lacson sa naturang panukala.
Read in ENGLISH: Lacson Bill Pushes Better Benefits for Retired DFA Career Officials
Continue reading “Panukalang Batas ni Ping: Pensiyon, Benepisyo ng mga Retiradong DFA Career Officials, Dagdagan”