Paano nangyaring ang Pharmally Pharmaceutical Corp., na may kapital na lagpas lang ng bahagya sa P600,000, ay nakopo ang halos P12 bilyong kontrata sa pamahalaan para sa medical supplies sa pagtugon sa pandemya ng Covid-19?
Ito ang nagtatakang tanong ni Senador Panfilo Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa nabanggit na kontrobersya, na pumutok matapos lumabas ang ulat ng Commission on Audit (COA).
Ayon kay Lacson, ang nabanggit na halaga ay bahagi ng P42 bilyon na na inilipat ng Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM) para ibili ng mga kagamitan sa pagtugon sa Covid-19.
Dahil dito, inatasan ng mambabatas si Pharmally chairman Huang Tzu Yen at director na si Linconn Ong na isumite sa komite ang official records na nagsasaad ng mga kontratang nakuha ng kumpanya pati na rin ang mga kaakibat na halaga.
“Just make sure you base your figures on official records,” paalala ni Lacson, matapos na isiwalat ni Ong na batay sa kanilang “records” ay nakakuha ang Pharmally ng P11 bilyon.
Read in ENGLISH: Lacson: How Did Pharmally Corner Almost P12B in Contracts for Medical Supplies?
Continue reading “Tanong ni Ping: Halos P12B Kontrata ng Medical Supplies, Paano Nasungkit ng Pharmally?”