
Dahil siyensiya at teknolohiya lamang ang tamang gabay para malutas ang mga problemang dulot ng pandemya gaya ng COVID-19, isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang pagtatag ng isang institusyong tutuklas sa mga solusyon para sa sakit na ito.
Sa ilalim ng Senate Bill 1543, layon ni Lacson na itatag ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).
Ayon kay Lacson, kada araw ay patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19. Sa Pilipinas lamang ay hindi bababa sa 873 na ang kumpirmadong namatay. Dahil din dito, nagkaroon ng malawakang suliraning panlipunan at pang-ekonomiya ng bansa.
“These problems can only be addressed using science and technology, specifically through research and development (R&D). It is therefore imperative that we establish a Research Institute that delves into the study of viruses of the field of virology. The country needs diagnostics to detect and limit the spread of the existing viruses; vaccines to provide long-term protection; treatments to save lives in the shorter term, and social science to understand their behavioral and societal implications,” paliwanag ni Lacson sa panukala.
Related: Lacson Bill Establishes Philippine Virology Science and Technology Institute to Fight Novel Virus Threats
Continue reading “‘VIP Bill’ vs COVID-19 at Ibang Virus Threats, Isinampa ni Ping” →
Like this:
Like Loading...