
Ano ang kalagayan ng programa ng gobyerno sa pagbabakuna laban sa COVID-19, at ang pakikipaglaban sa katiwalian? Mas bumuti ba ang buhay natin ngayon mula nang mag-umpisa ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016? Ano pa ang puwede niyang gawin sa nalalabing panahon ng kanyang termino?
Ilan ito sa mga katanungan ni Senador Panfilo Lacson na inaasahan niyang masasagot ng Pangulo sa panghuling State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 26.
“After five years, where are we now, or what is the situation in the many aspects of his administration such as peace and order, fight against illegal drugs, corruption, economy, and foreign policy, particularly the West Philippine Sea? We want to hear what happened in the last five years – and moving forward for the last year of his administration, what can still be done?” banggit ni Lacson sa isang media forum nitong Linggo.
Sa kanyang mga katanungan ay binigyang diin ng mambabatas ang programa sa pagbabakuna.
“But it is critical to update us on the government’s response to the pandemic. This includes the status of the government’s vaccination program. This is important because many Filipinos still do not trust the vaccine. In the meantime, the government must continue its campaign to gain the people’s trust in vaccines, based on science,” ayon pa sa mambabatas.
Read in ENGLISH: Lacson Bares Expectations from President Duterte’s Final SONA
Continue reading “Mga Inaasahan sa Huling SONA ni Pangulong Duterte, Isiniwalat ni Ping”